Chapter 16

1 0 0
                                    

" Puppy Play "

Carlo's Point of view,

Nagising ako ng wala na akong katabi sa kama,hindi ko alam kung kailan at anong oras bumalik si Ariel sa kuwarto namin.Hindi ko na siya hinintay o hinanap pa.Nagdiretso ako sa paliguan para makapaghilamos na rin ng mukha,makapagsipilyo at kung ano-ano pa'ng ginagawa tuwing umaga.Naghanap ako ng simpleng damit pero bago ko mahagilap ang isang damit na puti ay biglang may pumasok sa loob ng cottage namin,si Lex,kahit kailan talaga,hindi marunong kumatok.

Tamad ko siyang nilapitan at isinuksok ang dalawang kamay ko bulsa ng aking panjama.Wala namang kahit anong espesyal sa kaniya pero umaangat pa din ang itsura niya kahit Isang simpleng puting short lamang ang suot niya na pinartneran niya pa ng itim na sandals,isang polo shirt na kulay asul na may kaunting bulaklak pa at bukas ang dalawang butones nito.

"What?". Tamad kong tanong sa kaniya.

"Here!". Nakangiti niyang isinambulat sa pagmumukha ko ang dala niyang paper bag na hindi ko naman napansin kanina dahil sa kawalang interes ko sa kaniya. "Wear it. It's our theme."

"Huh? I'm not your employee." Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Basta isuot mo na lang, we're having breakfast together." Sabi pa niya at ibinato sa akin ang paper bag na nasambot ko naman kaagad bago siya umalis.

Paalis na sana ako pero sumilip siya sa pintuan.Ang dami niyang oras para manggambala.

"Make up with Ariel."

"Huh". Make up with him? Why?

"Sa kuwarto ni Ysa siya natulog.Masyado mo siyang inasar." Huli niyang sinabi at tuluyan ng umalis.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.Ipinatong ko sa kama ang dala dala niyang paper bag at tinanggal ang laman nito.Isang white polo shirt na may iilang bulaklak,isang puting short na kagaya ng kaniya at isang itim na sandals.Hindi ko na sinuri ang dala niyang damit at basta ko na lamang itong isinuot.

Hindi ko alam kung ano ang meron sa suot ko pero bawat madaanan kong tao ay napapatingin sa akin.Tumigil ako sandali para tingnan ang sarili ko,wala namang problemang kahit ano.Hindi ko na lang sila pinansin at tinungo ko na ang kinaroroonan nina Lex.Napailing na lang ako ng ganoon din naman ang tingin na ibinigay ng mga taong kumakain sa restaurant na iyon.Umupo na lamang ako sa Isa sa bakanteng upuan.

"My gooodddd Carlo." Napabaling ako kay Ysa dahil sa masigla niyang boses. "Breathtaking..." Dagdag niya pa at winasiwas ang buhok nito palikod. "Cover your chest,baka mas lalong magtampo sa iyo si Ariel at doon na naman matulog sa kuwarto ko." Mahina niyang bulong sa akin.

So this why people keep staring at me? Pakiramdam ko tuloy kanina may mali sa akin at may dumi sa parte ng katawan ko na hindi ko nakikita.Hindi ko na kinibo si Ysa at nagsimula akong maglagay ng pagkain sa plato ko tutal naman ay nagsisimula na silang kumain.Mayamaya pa ay may naupo sa katabing upuan.Nilingon ko ito at si Ariel ang bumangad sa akin na medyo basa pa ang unahang buhok nito.Siguro ay naghilamos siya.

"Bakit ang tagal mo sa CR?." Tanong ni Ysa ngunit sa pagkain pa rin ang atensyon niya.

"May makulit kasing lalaki na gumulo sa akin kanina kaya medyo natagalan ako." Napatigil ako sa pagnguya sa pagkain na nasa bibig ko ng marinig ko sa sinabi niya.

Lalaki?

"What?!". Medyo malakas na tanong ni Ysa na nagpatingin sa ibang tao na kumakain sa restaurant. "A guy?! Did that f*cking guy harassed you?!". She really didn't mind her voice and words.

"Hindi lang tayo ang kumakain dito." Dinig ko na paalala ni Ariel sa kaibigan.

"Hinawakan ka niya?". Sabi ko pa ngunit hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Ramdam ko ang apat na mata na nakatingin sa direksyon ko. Mata ni Ysa at ni Ariel. "Where?". Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na siya. "Tell me,I will wipe it."

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now