"Practice"
Ariel's Point of view,
Umagang umaga pero nakahalumbaba ako sa lamesa ng Isa sa mga table ng restaurant.Maya maya rin naman ay magbubukas na kami —exact 8 A.M. Yumuko ng bahagya ang ulo ko at pilit bumabalik sa aking isipan ang katagang sinabi Carlo.
"Kaibigan mo ako,hello.......Ano ba ang akala mo hindi ko napapasin ang tinginan niyo ni Carlo noong nasa hospital tayong lahat?Ang weird ng tingin niyo sa isa't-isa......Wala ka talaga iku-kuwento sa akin na kahit ano?". Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala.Alam ko naman 'yon e.
"Ahmm......sa totoo niyan........kami ni Carlo......"
"Kayo ni Carlo ay?".
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at saan ko ba tatapusin."
"Na?". Tumahimik si Ariel na medyo kinainis ni Ysa ng bahagya. "Sasabihin mo ba o ako na mismo ang magtatanong kay Carlo?".
"Kami ni Carlo----". Naputol ang sasabihin ni Ariel nang may boses na humarang sa dapat na pagbikas niya ng kasagutan.
"We're okay.Nothing serious.We're just have a little misunderstanding." Diretsong sinabi ni Carlo na hindi man lang kumukurap ang mga mata nito.Napatingala naman si Ariel at napatahimik dahil. "But don't worry,I know what I should do."Dagdag nito sabay hawak sa balikat ni Ariel.
Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na nakahalumbaba na sa harapan ko si kuya Lex habang nakangiti sa akin.Nakangiti lang siya sa akin habang ako ay nawalan na lang ng imik.May kakaiba sa ngiti niya na labis kong ipinagtataka ko,kung siguro ay babae ako ay unang kita ko pa lang sa kaniya ay magugustuhan ko na siya.Nasabi niya na sa amin ang gusto niya sa babae pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ipinakilala sa amin,halos magkaedad din sila ni Carlo.
"Tulala ang bunso namin......may problema ka ba? Ang aga-aga parang nalugi ka na. Hala ka,baka madamay ang business namin." Hindi ko alam pero parang binabantaan niya ako sa puwedeng mangyari.Parang magiging kasalanan ko pa.
"May iniisip lang ako,kuya." Maikli kong sinabi sa kaniya sabay buntong hininga.
"Nagsisikreto na ba ang bunsong kapatid ko sa akin?". Isinuot niya ang magkabilang kamay niya sa bisig nito habang nakadikit sa sarili nitong dibdib. "Binabalewala mo na ako ngayon,grabi ka naman sa akin you're not the same little brother I know."
Napatawa naman ako ng bahagya dahil sa inasal niya sa akin.Hindi pa rin siya nagbabago,siya pa rin 'yung kuya na lagi umaalaylay sa akin,nang-aasar sa akin at nagpapawala ng kunot ng noo ko.Pangarap din kasi ni kuya Lex na magkaroon ng batang kapatid na lalaki.Hindi naman sa ayaw niya kay Ysa,sa totoo lang mahal na mahal niya ang kapatid niya pero iba pa din daw yung may kapatid pa siyang isang lalaki.Bukod sa makakasama niya mas madami ang poprotekta kay Ysa.
Kuya Lex seems to be cold with other people like Carlo but he's really responsible one and that attitude of him makes you love and care for him the most.
"Kuya Lex,Sige ka kapag narinig ni Ysa na ako ang tinatawag mong bunso mas magalit at mainis pa sa'yo 'yon." Pananakot ko naman.Alam ko naman na hindi 'yon mararamdaman ni Ysa dahil siya pa nga mismo ang umaako sa akin na kapatid niya at ako raw ang bunso sa amin kahit na magka-edad lang kaming dalawa.
"I am your brother,you can talk to me anything. You're my little brother although we're not blood related." May halong pag-aalala ang bawat pagbigkas niya ng salita.
"Maliit na bagay lang 'yon kuya. Kayang kaya ko." Nakangiti ko namang sinabi sabay patong ng kamay ko sa lamesa.
"When you can't handle it anymore,just tell me and I will do everything to help you." Hinawakan ni kuya Lex ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Kuya's here. Always." Binigyan niya ako ngiti tulad ng ibinibigay niya sa akin simula pa lang.Tumango na lang ako at binitawan niya na ang aking kamay. "Okay.We have 10 minutes left before we open the restaurant.So.....stand up and start your day with us."
YOU ARE READING
Our Home : Reviving Heartstrings
RandomAriel and Carlo were once deeply in love, sharing a passionate and committed relationship. They were a couple since High School days,sharing their goals and dreams. However, their relationship eventually crumbled under the weight of unspoken expecta...