Chapter 3

1 0 0
                                    

"It's Ar not Ae"

Carlo Point of view,

Hindi ko namalayan na umaga na pala.Nauliratan na lamang ako ng matamaan ng sikat ng araw ang mga mata ko.Bumangon ako at lumabas.

Napatingin ako sa pintuan ng kuwarto ni Ariel.Mukhang Hindi pa rin siya gising.Nagtiis ba siya ng gutom dahil sa nangyari sa amin kahapon?

[ ]

"Dahil ba 'to sa nangyari sa atin? Dahil ba sa aksidenteng halik na 'yun?".

"Naiilang ako sa ipinapakita mo sa akin. Malinaw na ba?". Ramdam ko sa boses niya ang pagkayamot at pagkainis.

"Naiilang?". Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko pero pakiramdam ko sumabog ako.Sinabihan niya ako na nakakailang ako. Wala naman akong ginagawang kahit anong ikakailang niya. "Nakakailang ba na pansinin kita? Nakakailang ba na tulungan kita kapag hindi mo kaya?".

"Oo! ". Diretso niyang sinabi sa akin.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at nilingkis ko ang baywang niya at inilapit ang katawan niya patungo sa akin. "Aray ko!........ano ba? Baka makita tayo ng bisita mo!". Mahina niyang sinabi sa akin.

"Kung may nakakailang sa ginawa ko,hindi 'yung pagkausap at pagtulong ko sa'yo. Ito yun! Nakakailang ang ginagawa ko ngayon kasi........."

Bakit ko ba sinasabi sa kaniya 'to? Nasisiraan na ako. Tiningnan ko na lang siya sa kaniyang mga mata at hindi na ako nagsalita.Magsasalita na sana siya ng madinig namin ang boses ni Prof.Ramirez.

"Ah..... I'm sorry?". Patanong niyang sinabi. Seryoso ba? Agad na humiwalay sa akin si Ariel at hinalbot sa kamay ko ang ice pack.

"Mauuna ako." Sabi pa niya at iniwanan na kami.

"Nakakaistorbo ba ako?". Medyo awkward na tanong sa akin Prof. Ramirez.

[ ]

Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kuwarto niya. Bukas ang pintuan niya at hindi naka-lock. Lumabas ba siya? Bakit hindi ko napansin? Dahan-dahan akong pumasok at inilibot ang mga mata ko. Wala siya dito,ibig sabihin lumabas nga siya? Naglakad ako patungong kabilang bahagi ng kuwarto at nakita ko siyang nakabulagta sa sahig habang nakatapis lamang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya. Agad ko siyang nilapitan at kinalong.

"Ariel? Ariel? Anong nangyari sa'yo?".

Dinala ko siya sa Ospital para malaman kung ano ba talaga ang nangyari.May mga itinanong sa akin ang doktor na hindi ko naman masagot dahil kahit ako ang kasama niya sa bahay ay wala rin naman akong ideya.

Ang akala ko nga nagtitiis lamang siya sa gutom at iniiwasan akong makita,'yun naman pala nahimatay na siya sa loob. Ang tanging tanong lang na sigurado ko ang sagot ay 'yung kung anong nangyari sa baywang niya.Dalawang beses siyang nadapa,sabi ng doctor hindi naman komplikado pero namaga ang baywang niya dahil napabayaan ito,ang kailangan niya lang ay pahinga at tuloy-tuloy na pagpahid ng ointment at pag-inom ng short term na gamot na inireseta sa kaniya kanina.Binili ko kaagad ang gamot na sinabi sa akin ng doktor.

Hindi ko siya nabantayan maghapon dahil may pasok ako,pero sabi sa akin ng nurse na bumibisita sa kaniya ay maghapon siyang walang malay.Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko ay dumiretso ako sa bahay bago pumuntang ospital para kumuha ng pamalit niyang damit. Damit lang ang tiningnan ko wala akong nilikot na kahit ano.Bumili ako ng kape sa cafeteria ng ospital ng makasalubong ko si Dave.

"Uy Carlo,is that you?".  Bati sa akin ni Dave at mukhang hindi makapaniwalang nagkita ulit kami.

"Anong ginagawa mo dito?". Nakangiti kong tanong,sasagot na sana siya ng may kamay na lumingkis sa baywang niya.Pagtingin ko si Spencer.Ospital parin ito pero mabuti naman maayos na sila. Mukhang tama lang na iniumpog ko ang ulo ni Spencer sa katotohanan. Ibig kong sabihin iumpog siya sa mga salitang makatotohan at may katuturan. "Spencer."

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now