Chapter 14

2 0 0
                                    

"Mine alone"

Ariel's Point of view,

Nandito na kaming lahat sa labas at hinihintay na lamang ang pagdating ng Van na sasakyan namin.Nabanggit sa akin ni Ysa na dalawang malalaking Van ang gagamitin namin para nakarating sa sinasabi nilang Beach Resort.Kaibigan daw ni kuya Lex ang may ari noon kaya binigyan daw sila ng discount.Sa totoo lang kahit walang discount ay kayang kaya nilang magkapatid na bayaran lahat.Makakapagpahinga na din ng maayos-ayos.Ang hampas ng dagat sa mga paa ko,buhanging naaapakan ko,ang simoy ng hangin at ang lambot ng kama.Naiisip ko pa lang lahat ng iyon ay napapanatag na ako ng sobra.

Nahagip ng mga mata ko si Manager Bebe na dala-dala ang kaniyang bag at halatang nahihirapan ito dahil nasa kabilang balikat din niya ang kaniyang maliit na shoulder bag.Nilapitan ko siya at inagaw ang bag na dinadala niya.

"Ako na po." Nakangiti kong sinabi pagkatapos kong agawin ang bag niya sabay sukbit sa aking balikat. "Mukhang madami po kayong dalang swimsuit ah."

"Ay nako." Kumunot ang kilay niya pero bakas namang sa mukha niya ang saya kahit ganoon. "Hindi ako nagsusuot ng ganoon.Ang tagal na din simula ng naulit itong libreng pahinga." Kuwento naman niya.

"Mabuti na nga lang po at naulit ito.Naranasan ko din." Natatawa ko namang sinabi.

Habang nagkakasiyahan kami ni Manager Bebe sa gilid ay dumating na ang dalawang Van na sasakyan namin.Lumabas doon si Ysa at lumapit sa amin.

"Saan po ba kayo sasakyan?". Tanong ko kay Manager Bebe.

"Kahit saan diyan." Tumawa ito.

"Okay." Si Ysa.Wala pa kami sa beach pero nakasombrero na kaagad ito ng malaki.

Simple lang ang suot niya,nakasandong puti at naka-hangging skirt.Ang ganda niya,kung hindi lang ko lang siya kaibigan,niligawan ko na siya.Nagtataka pa rin ako kung bakit wala siyang pinapakilala sa akin na kahit sino kahit may nabanggit na siya sa akin noon.Sa tuwing tinatanong ko ay wala na daw,fling lang.

"Are you guys ready?". Nakangiti niyang tanong at hinandugan namin siya ng hiyawan hudyat na handa na kami at hindi na makapaghintay pa. "Fix your things,ilagay niyo na sa likod ng Van 'yong mga malalaking bags niyo then pumasok na kayo sa loob." Paalala naman niya at ganoon na nga ang ginawa ng iba.

Inilagay ko muna ang bag namin ni Manager Bebe sa unahang Van kung saan doon nakasakay si Ysa.Hindi muna ako pumasok sa loob at nilapitan ko si Ysa na abala sa cellphone niya.Pagkalapit ko ay nabunggo na lang ang dalawa niyang kilay,halatang inis na inis sa kausap niya sa cellphone.

"Sayang ang ayos mo ngayon kung sisimangot ka lang." Pansin ko naman. "Hindi pa tayo nakakarating sa patutunguhan natin mukhang pagod ka na." Dagdag ko pa.

"Kakakinis kasi." Pagsinghal niya.Inakbayan ko siya dahilan iyon para masanggi ang mukha ko ng sombrero niya. "Sorry." Inalis niya ang sombrero.

"Bakit ba kasi?".

"Si kuya! As usual."

"Ano ang meron sa kaniya?".

"Mauna na daw tayo at susunod na siya."

"Edi tayo na?". Bumitaw ako at hinawakan siya sa kamay. "Tara?".

"Pa-fall ka talaga....." Tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Kahapon naiirita ka sa akin tapos ngayon ang lambing mo. Ano ang gusto mo?".

"Hindi ka p'wedeng ma-fall baka hindi kita masalo tulad ng dati." Biro ko naman at tinaasan niya ako ng nguso.Alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin. "Tara na kasi,naghihintay na sila."

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now