Chapter 21

0 0 0
                                    

"For Real?".

Ariel's Point of view,

Ilang oras akong hindi lumabas sa kuwarto ko dahil sa nangyari kanina.Hindi ko alam kung paano ako kikilos kapag nakaharap ko na naman si Carlo.Kasalanan niya lahat ng ito e.Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan ng taong ito,simula noon pa lang hirap niya ng basahin.

"Eh?". Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko. "Teka, Ano ang ginagawa niya dito?".

Tiningnan ko ang orasan na nasa dingding ng aking kuwarto at nakitang magtatanghalian na.Martes ngayon,sigurado akong may pasok siya ngayon.

"Baka hindi lang siya pumasok, baka na-postponed lang ang klase niya ngayon. " Mahihiga na sana akong muli ng maalala ko ang dalang kahon nito. "Nag-resign ba siya dahil doon sa issue na iyon?".

Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko,konsensya ba ito o pagkalungkot? Kasalanan ko ba kunv bakit siya nag-resign sa trabaho? Kung hindi lang sana ako... Mali,kung pumalag sana ako mula sa pagkakayakapnniya sa akin noon, hindi sana magkakaroon ng ganoong picture... Eh, Hindi naman namin gunusto iyong nangyari ah.

Binuhat ko ang aking sarili mula sa aking higaan at nag-desisyong lumabas. Dire-diretso lamang ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko si Carlo na nasa labas at mukhang may kausap. Lumapit ako sa pintuan ng makita ko kung sino ito,wala naman akong balak makinig gusto ko lang malaman.Hindi ko alam pero bigla na lang akong napabuntong hininga ng makita kung sino ang kausap nito.Hindi ko rin naman masisisi si Carlo,sadyang maganda siya at lahat na siguro ng lalaking makikita siya talaga namang hindi siya matatanggihan.

Nakasuot siya ng puting polo at itim na pants,ang sapatos ay itim na bumagay sa pangbaba niya. Ang buhok niya na nakapusod at ang make-up niya ay tama lang. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito ganito. Maganda siya.

Natauhan lamang ako ng tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. Si kuya Lex,tumatawag. Hindi na ako umalis sa pwesto ko at Doon ko na sinagot ang tawag nito.

"Kuya Lex,napatawag ka." Panimula ko naman.

"I heard you slept with Ysa." Seryoso niyang boses na binitiwan.

"Ah oo, may problema ba?".

"Is there something I need to know?".

"Ha?".

"Nothing. I need to go. Just take care."

"Ku—"

Hindi man lang pinatapos ni kuya Lex sa pagsasalita at ibinaba kaagad ang tawag nito.Ngayon niya lang ito ginawa sa akin,kapag tumatawag kasi siya nagtatalo pa kami kung sino ang unang magbababa ng tawag. Sa huli,ako rin din naman ang inaantay niya na magbabà ng tawag.

"May problema ba? Galit ba siya dahil sa iisang kama lang kami natulog ni Ysa? Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na natulog kaming magkasama ni Ysa."

"That is why I get jealous often before."

"Gago!".

Halos atakahin ako sa puso ng marinig ko ang boses ni Carlo mula sa likuran ko. Dapat na ba akong kumuha ng life insurance? Wala naman akong pamilya na maaaring mag-asikaso ng burol ko kung magkataon.

"Ha?". Dugtong ko naman.

"You're cursing me a lot. Is it refreshing when you cursing at someone you used to be your lover?".

"Ha?". Totoo na ito, wala na talaga akong masabi dahil sa lumalabas sa bibig ni Carlo.

"What are you bubbling about? ". Tanong niya at sumandal sa paded na katabi ng pintuan. "Are you going to answer me with 'Ha' again? Want to hear a story?".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 8 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now