[ Kabanata XIV ]
NAGSIMULA ang parada bandang alas tres ng hapon. Hapong-hapo na ang lahat, lalo na ang mga nagsilbing Reyna ng santacruzan. Ang init ng araw ay bumabalot sa buong bayan, at ang maliliit na alon ng hangin ay halos hindi na makadampi sa balat ng mga dumalo. Nasa unahan ang nasa edad apatnapu na lalaki. Mayroon itong makapal na balbas at makikita na rin ang namumuti nitong mga buhok.
Don Juan Felipe Herrera.
Sa kabila ng umaangos na katandaan nito, hindi pa rin maitatanggi ang kakisigan at karisma na tinataglay ng Don.
Nasa likod naman ng Don ang isang binibining nasa labing-walong taong gulang. Ito ang nagsisilbing Reyna Banderada ng parada. Nakasuot ito ng kulay pulang gown at may hawak na kulay dilaw na banderada. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadyang ipakita ang alindog at ang karapat-dapat na paggalang sa bawat mata na nakamasid.
Sa dulo naman ng parada ay naroon ang tatlong magkakaibigan na halos matuliro na sa init ng panahon.
"Init ang papatay sa akin. Mierda!" mahina ngunit mariing pahayag ni Teodoro habang pinapahid ang pawis sa noo.
Napaigtad siya nang maramdaman ang banayad na pagkutlig ni Julia sa kaniyang braso.
"Nais mo bang aking putulin ang katabasan ng iyong dila, Mang Tiyong?" mariing bulong ni Julia saka luminga-linga upang tingnan kung mayroong nakakita sa ginawa niya.
Sa tabi nila ay naroon si Khalid na hindi maipinta ang mukha. Kanina pa ito takip nang takip sa kaniyang ilong at panay ang singhot.
"Alam ko namang lahat tayo may putok pero bakit parang nuclear bomb na yung sa'yo?" mahinang pahayag Khalid, sabay titig sa lalaking nasa harap, nakatalikod ito sa kaniya.
Gulat na nilingon ni Khalid ang kaniyang dalawang kaibigan nang humarap sa kaniya ang lalaki.
"May sinasabi ka ba ukol sa'kin, ginoo?"
Napapikit si Khalid at napailing-iling. Hinarap niya ang lalaki saka siya ngumiti nang maayos. Ngunit agaran siyang napakagat nang labi nang amuyin nito ang sarili at napangiwi.
"H-Ha? HAHAHA...hahaha w-wala."
Tuminding nang maayos si Khalid saka siya muling ngumiti.
"Ang ibig kong sabihin kanina ay paputok para sa bagong taon. Akin nang pinag-iisipan kung anong paputok ang aking bibilhin. Naisip ko na nuclear bomb na lamang ang aking bibilhing paputok."
Nilingon niya ang mga kaibigan ngunit malayo na ito sa kaniya. Napalunok na lang si Khalid habang dinaramdam ang pagtulo ng pawis niya sa noo.
"Uh...sige, pare, aalis na ako..." tinuro pa ni Khalid ang kaniyang dalawang kaibigan saka naglakad na palayo sa lalaki.
Nagmamadaling tinungo ni Khalid ang direksiyon ng kaniyang mga kaibigan ngunit agad siyang napahinto nang may humawak sa braso niya.
"AHHHHH!!!"
Nagulantang si Venturo dahil sa biglaang pagsigaw ni Khalid na para bang nakakita ito ng multo.
"K-Kumalma ka, amigo! Ako ito!"
"Venturo?"
Kunot-noong lumingon si Khalid sa paligid bago bigyan ng pansin si Venturo.
"Uy, tol! Kumusta?" tanong ni Khalid nung makalayo-layo sila.
Ang pagkikita nila nung isang gabi sa gubat ay iyon ang una at huling beses na nakita ni Khalid si Venturo. Kahit na saan siya magtungo magmula noong gabi na iyon, hindi na niya nakita pa si Venturo.
YOU ARE READING
Eleanor (Series #1)
Fiksi SejarahUnang Serye A young man wishes to be sent back to the Spanish era. He thinks that life was easier in those days, even though Las Islas Filipinas were under Spanish control. This is because he is tired of his life. But as they say, "Be careful of wha...
