Magandang hapon sa inyong lahat, mga giliw kong mambabasa!
Nais ko munang humingi ng tawad sa inyong lahat sapagkat halos isang taon na ang lumipas buhat nang maisulat ko ang Kabanata XIII ng Eleanor. Sa mga araw na yaon, ako ay nalulong sa mga gawaing may kinalaman sa aking pag-aaral sa kolehiyo, kaya't ako'y napilitang huminto at pansamantalang isantabi ang pagsusulat. Dalangin kong inyong maunawaan ang aking kalagayan.
Ngayon nama'y ako'y nagbabalik, dala ang panibagong sigla't adhika na ipagpatuloy ang kasaysayang inyong sinusubaybayan. Sa wakas ay muli kong naisaayos ang lahat ng mga naunang kabanata na aking nailathala rito, at ngayo'y nakahanda na akong sumulat ng kasunod.
Kaya't aking ipinaaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong pagtitiis at patuloy na paghihintay. Huwag kayong bibitiw, sapagkat malapit nang isilang ang mga bagong pahina ng kuwentong inyong iniibig. Abangan ninyo ang mga darating na kabanata!
YOU ARE READING
Eleanor (Series #1)
Fiksi SejarahUnang Serye A young man wishes to be sent back to the Spanish era. He thinks that life was easier in those days, even though Las Islas Filipinas were under Spanish control. This is because he is tired of his life. But as they say, "Be careful of wha...
