[2] CARELESS LIZZY

300 27 11
                                    

                                                                    ****

“Marami ng kalalakihan ang naglakas-loob na umamin ng nararamdaman nila para sa akin. Nakakataba ng puso. Alice, ikaw ang unang babaeng kaagad na nagtapat ng kanyang damdamin sa akin. You asked me to be your girlfriend? Hija—”

“Pasensya na po sa pagsabad ko, huwag niyo po ako tawaging hija.” Kunwa ay nakasimangot na pakiusap niya, sabay sabing, “kasi pwede naman po baby,” ani Alice habang salitang tumataas ang mga kilay niya, ngiti ay unti-unting gumuguhit sa mga labi niya.

Hangga’t maaari ay iniiwasan niya ang seryosong usapan pagdating sa ganitong sitwasyon. Kita naman niyang may pagitan sila sa edad at intelektwal na kapasidad kung kaya’t bago pa siya nito pangaralan ay idaraan niya na lamang sa makwelang diskurso.

“Are you avoiding my lecture?”

“Hindi naman po kayo simbahan po, Senator,” simpleng ika ni Alice. “Pero pwede ko po araw-araw kayo[ng] luhuran.” Bumungisngis ito sabay sumingasing dahil alak na ang kumakausap sa magiging girlfriend niya.

“Wow.” Bumuntong-hininga si Risa at nakangising napapailing sabay inom sa hawak niyang wine.

Biglang tumunog ang cellphone ni Alice. Mabilis itong nagpaalam sa babae at nagtungo sa di mataong lugar. Nanatili lamang si Risa sa kinaroroonan nilang dalawa kanina. Walang-galang ang lumisan nang walang paalam kung kaya’t maghihintay siya para sa dalaga. 

Hingal na hingal at may kaunting butil ng mga tubig sa noo ni Alice pagdating niya sa tabi ni Risa. Marahan niyang inimuwestra ang kamay sa harap nito.

“Ako po muna.” Sabay hinga ng malalim. “Pasensya na po, nagmadali po ako[ng] pumunta rito, nangangamba baka lumisan ka na po,” nahihiyang sabi niya.

“Ikaw muna. Thank you for worrying, pero wala naman akong ibang pupuntahan. I intended in waiting for you as well,” sagot ni Risa sa babae.

“Kapag naging tayo, araw-araw kitang liligawan. Kahit pa kasal na tayong dalawa,” di na nagpatumpik-tumpik pa at diretsong sinabi ang intensyon at balak niya habang nanatili ang seryoso niyang tono at mukha.

Tinaasan siya ng isang kilay ng Senador. Ngunit di niya mapigilan at unti-unting namumuo ang mga ngiti sa mga labi niya, napakagat sa ibabang labi ng di nahahalata ng kaharap. 

“Ano po?” Di mapakaling tanong ni Alice dahil wala itong narinig sa babae.

“Maging sibil muna tayo, at kapag malinaw kung saan patungo ang magiging relasyon natin, obligado tayong dalawang magbigay panukala sa magiging takbo ng relasyon na iyon,” mahinang pahayag ni Risa.

“Malalim po masyado yung tagalog niyo po, Senri. Pero case in point po,” ani Alice. 

Dumaan ang ilang sandali nang tahimik silang dalawa. At nang mapagtanto ng tuluyan ni Alice ang ibig sabihin ni Risa ay napaangat siya ng kamao sabay hila pababa, sinasamsam ang tagumpay niya. 

“Senate Bill no. 2447,” biglang ungkat ni Alice.

Nagtaas muli ng [mga] kilay si Risa. 

“May mga katanungan ka bang nais masagot?” Tanong ni Risa sa kanya.

“Ah, opo. Isa lang po. Pwede ka po ba maging girlfriend ko po?” Sabay malokong kumindat ito sa kanya. “Biro lang po. Huwag niyo po ako iwan po,” pakiusap ni Alice kay Risa.

Ang totoo niyan, kanina habang nasa importanteng tawag siya, mas prinayoridad niya ang pangangalap ng impormasyon tungkol kay Risa. Sinaulo niya lang talaga ang bill upang mag-isang talakayin ng Senador. 

Kung ano ang sinabi kanina ni Risa ay pinanindigan niya. Sibilisado siya kung makipag-usap kay Alice at ganoon din itong nakikinig at paminsan-minsang nagtatanong sa kanya.

“Madam Senator, gusto ko po ng soft food, gusto niyo po ba sumama sa baba?” 

“Grabeng tanong yan, Mayor. Pero sige.”

“Huwag po kayo mag-alala po restricted na po mga tagapagbalita po ng gan[i]tong oras.” Lakad nilang dalawa sa exit.

“Bilang respeto. It was ordered by Mr. Zhang.”

“Opo.”

“Nagcacrave ka ng soft food kapag lasing ka na,” hinuha ni Risa.

“Kilala niyo na po ako, Madam Senator. Yes na po, magjowa na po tayo,” biro ni Alice.

Pagpasok nila sa elevator ay lihim na pinindot ni Alice ang lahat ng palapag ng gusali. Di niya kasi alam kung saan ang seksyon ng mga kainan sa hotel dahil ngayon pa lamang siya nagtungo ngayon dito. 

“Hey! Lizzy, anong ginagawa mo?” Nag-aalalang wika ni Risa nang bigla itong lumabas nang magbukas ang pintuan pagkatapos bumaba ng isa. 

Marahan niya itong hinila sa bewang gamit ang dalawa niyang kamay dahil nakasilip pa rin si Alice at pasara na ang pintuan ng elevator.  

“Baka po kasi may gusto po sumakay,” palusot niya at pasimple rin itong humawak sa bewang ng Senador.

“Yea, you pressed all the (floor selection) buttons.”

“Ngayon lang po kasi ako rito, Madam Senator. Hindi ko po alam saan po yung food court po.”

“Let’s just grab something on the way home, meron akong paboritong restaurant na binabalik-balikan ko. Magugustuhan mo roon, panigurado!”

“Ehe, iuuwi niyo na po ako, Senator?”






















ALIBITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon