****
“This is the key to your home…”
“Anniversary niyo po pala ngayon..”
“..ngayon ko lang nalaman..”
“Ipinabibigay niya sayo today, July first. Nabili niyo na rati yung pintuan kahit hindi pa tapos yung bahay. Kwinento niya sa akin noong nagpunta kayo ng hardware store, sa huli nagpa-costumize nalang kayo ng pintuan..”
“..Please, don’t doubt Alice. She never cheated on you. She’s just stupid.”
“Why do you have the key?”
“Noong isang araw ko lang napansin na nakasabit lang sa cellphone ko, merong acrylic keychain. May nakalagay na letter—para sayo.”
Tinanggap ni Risa ang susi ng bahay.
“I’m so sorry for your loss, Reese.” Hindi mapigilan ni Jaira kaya’t yumakap at napaiyak sa balikat ni Risa.
“Alice never meant to hurt you, Reese. You mean the world to her. She will do any means she’s capable of just to protect you. Tough woman, huh? Pero gusto talaga apelyido mo sa pangalan niya.”
Unti-unting humiwalay si Risa sa yakap. Hindi pa rin ito nagsasalita. Wala ring ekspresyon ang kanyang mukha.
“Aren’t you going to her funeral? It’s a private ceremony, ikaw nalang ang hinihintay, Reese.”
Ngayong araw ay nagtungo rin agad si Risa at ng mga bata niya sa Bamban, Tarlac. Hindi siya sumama at dumalo sa libing daw ni Alice. Kasalukuyan siyang nasa pinakabukana ng bahay. Ito ay isang modernong mansyon na may istilong rustic. Pagpasok mo ay bubungad sayo ang living room na animo’y ballroom sa laki. Maari kang gumamit ng elevator o kaya naman ay hagdan. Sa ikalawa at ikatlong palapag mahahanap ang sampung maluluwag na kwarto. Ang mansyon ay mayroong sariling spa, music room, theater, at gym. Sa harap ng bahay ay isang napakalawak na lupaing pawang damo (bermuda) lamang ang nakatanim. Sa likod ay matatagpuan ang dalawang infinite pool, ang hardin, at outdoor bar.
Kasalukuyang nasa pangalawang pribadong opisina si Risa. Kay Alice ang opisina at ang katabi nito ay para sa kanya. Napalunok si Risa. May mga nakasabit na litrato ng mga bata, at silang dalawa. Mukhang mas inuna pa ni Alice ang magsabit ng mga kwadro (may lapad itong anim pulgada at ang taas nito ay walong pulgada) kaysa i-display ang mga parangal na natanggap niya sa kanyang pagiging alkalde. May mga patong-patong na mga kahon sa gilid na naglalaman ng mga gamit ni Alice.
May lima silang mga litrato roon na silang dalawa lamang ang magkasama.
Merong nakasuot ng modernong Filipiniana si Risa dahil dadalo ito noon sa SONA ng pambansang pangulo. Samantalang si Alice ay nakasuot ng karaniwan niyang pampormal na kasuotan sa tuwing papasok ito sa trabaho.
Merong magkasama sila sa dinner date na noon ay nakapatong ang kanang kamay ni Risa sa lantad na dalawang hita ng babae.
Meron noong natutulog ng mahimbing si Risa at nanguha ng litrato si Alice. Nakalabas ang dila nito at pinanlakihan ng mga mata ang natutulog niyang girlfriend. May nakasulat doong: wifey’s exhausted from work.
BINABASA MO ANG
ALIBI
FanfictionHow are you supposed to believe in someone who made you as her alibi? A Senator has undertaken herself into a romantic affair with a person of interest and a national threat to her own country.