****
Diretsong umuwi si Alice sa probinsya matapos ang di umano’y date raw nila ni Risa. Sa sampung-ektaryang lupain kasalukuyang nakatayo si Alice sa pinakagitna habang hinaharap ang ginagawang imprastraktura na mayroong hanggang tatlong palapag.
“Within approximately four months, Mayor, matatapos na po itong ating proyekto!” Sabi ng inhinyero matapos ang detalyado nitong ulat kay Alice kanina.
Marami rin itong naging mga katanungan matapos ang paglilibot sa site na merong suot sa ulo niyang puting helmet. Makwela siya sa harap ng mga trabahador ngunit tahimik siya at nalulunod sa kanyang mga iniisip sa tuwing siya’y naiiwang mag-isa kanina sa tour.
“Maraming salamat po! Excited na ako!” Aniya subalit tipid lang ang kanyang mga ngiti.
Umalis si Alice sa site nang ang mga tingin ay nasa telepono lamang, ganun din ang pagpasok sa munisipyo, at pag-upo niya sa opisina. Hindi kasi naaangkop sa sitwasyon nila mula kahapon ng gabi ang magsabi ng matatamis na mga salita kaya’t ipinaalala’t ipinadala niya na lamang ito sa text:#6
Huwag mo nang masyadong isipin yang nalaman mo. Pasensya ka na. Please, magpahinga ka.
11:59 pmMahal kita, Ana Theresia.
1:00 am“Paano ang magiging daloy po ng araw ko ngayon, Sec?” Tanong ni Alice sa kanyang Sekretarya na noon ay nakaupo sa sopa at abalang-abala sa sariling telepono, mukha itong kinikilig habang nagtatype.
“Sorry po! You will review proposed policies for the community from the Bamban citizens at 8:30 until 10:00 this morning. Meeting with Gov. Susan Yap after lunch. After that, there’s not much aside from the usual, Mayor.”
“Okay. I will make a public statement and you will release it via my Facebook page,” sabi ni Alice.
“Sige po.”
“Can you call Atty. Gabriel and see if she could go by,” tanong ni Alice sa kasama.
“Sige po.”
Alas-diyes ng umaga nang makarating ang ipinatawag na abogado ni Alice sa kanyang opisina. Agad siyang nangumpisal ngunit wala nang ibang sinabi.
“I have a senate hearing today but was moved on Friday…”
“Sen. Risa Hontiveros…said that I may have been linked to the Chinese triads.”
“We parted ways after our dinner date on her birthday.”
“Hoy, Lizzy!”
“Don’t call me Lizzy, you’re not Senri,” masungit na sambit ni Alice sa matalik na kaibigan.
“Best friend mo ako since March 10, 2006, Alicia!”
“Yikes!”
“Hindi ka aakusahan ni Sen. Hontiveros kung siya’y lacking of evidence, at hindi kayo magigiba kung wala siyang pandiin para ituloy ang hearing sa senado sa Biyernes. Kumusta naman puso mo?”
“Uh, tumitibok pa rin?” Sarkastikong sabi niya dahil hanggang sa simula lang seryoso ang kanyang kaibigan.
“Wala ng dugo yan, gusto mong uminom?”
“Ah, papalitan ng alak yung dugo ko?”
“If that’s what it takes to make you tell the truth, yes,” bigla na naman itong nagseryoso.
BINABASA MO ANG
ALIBI
FanfictionHow are you supposed to believe in someone who made you as her alibi? A Senator has undertaken herself into a romantic affair with a person of interest and a national threat to her own country.