[13] PLEAD INNOCENT

120 18 7
                                    

                                                             ****

“Pagod na ako, Alice. Punyeta…”

“Araw-araw nalang tayong pabalik-balik dito sa Manila…”

“Uuwi pa rin tayong wala kang ginagawa…”

“Susunduin na tayo ni Jaxon. Halika na.” Tumalikod si Jaira pero kaagad itong napalingon kay Alice nang may marinig siyang pagbagsak.

Bagsak ang katawan ni Alice sa daanan. Nakaupo itong nakatupi ang mga tuhod na noon ay nakapatong doon ang magkahawak niyang mga kamay. Para itong nantumba ng sampung bote ng beer. Para itong pagod na pagod at labis ang antok. Lumibel si Jaira kay Alice at marahang tinaas ang ulo ng babae. Masakit pala ang makita ang kaibigan na ganito ang pinagdaraanan niya. Labis ang pagkahipsayo’t lungkot sa mukha niya. Nangayayat na rin ito dahil saka lamang ito kakain pag inaway na siya ng kaibigan.

Kadarating lamang din ni Aspen. Nag-ulat siyang nasa kamay niya na ang results ng forensic hair at fiber analysis. Ngunit nagulat siya ng lulugo-lugo si Alice sa tapat ng bahay ng kapitbahay nila.

“Anong ginagawa niyo rito sa Loyola Heights ba?”

“M-May pumasok na sasakyan sa bahay nila. That was Leni’s? Nakita mo?” Tanong ni Alice kay Jaira.

“Atty. Gerona? Oh, malapit na magkaibigan sila ni Sen. Hontiveros. Meron nga ring chinitong lalaki, mayaman, kada-buwang dumadalaw sa bahay ni Hontiveros,” pahayag ni Aspen.

“Kailan pa yun?” Taka ni Jaira.

“Matagal na, siguro may isang taon na.”

“Hindi naman pwedeng maghanap siya ng tatay nila! Nandito naman ako! Tanggap ako ng mga anak niya…” Biglang tumayo si Alice ngunit ito ay tutumba-tumba dahil nahihilo siya’t hindi pa kumain simula kahapon.

Naguguluhang tinapunan ng mga tingin ni Aspen si Jaira.

“Pinainom mo ba ng gamot tong kaibigan mo? Kung anu-ano ang sinasabi—”

Nagulat ito nang sinampal ni Alice ang mamahalin niyang telepono sa maputi at napakakinis niyang mukha. Binuksan niya ang screen ng smartphone at laking gulat niya nang makita ang family picture ni Hontiveros…at kasama si Alice roon.

Nagsimulang maglakad si Alice palabas ng compound. Bubuntot-buntot ang dalawa sa kanya hanggang sa makarating sila sa highway. Panay ang tanong ni Aspen kay Jaira at mabilis naman nitong sinasagot ang mga katanungan ng lalaki. 

“Bakit niya pinakita sakin yun? Hindi ko naman kayo talaga kilala, you dragged me here! Hindi niyo rin ako kilala.”

“We’ve been friends for like two decades. You’re lucky enough to get to know her fiancée as early as now. Isang taon na kaya sila nun nung nalaman kong sila na! Tsk, ampangit mo. Stop wondering, love moves in mysterious ways.”

“Mayoral and Senatorial affairs, nuxx.”

“BALUT! BALUT! BALUT!”

“HALIKA KA RITO, KUYA!”

“Gago, baka gulpihin ng kaibigan mo yung tindero!” Nataranta si Aspen at mabilis na tumakbo malapit sa tindero at kay Alice.

ALIBITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon