“Sige magalit ka fuck me harder…”
Tagaktak ang pawis sa mukha ni Alice. Tila kumikinang na butil ng tubig ang tumatagaktak sa leeg niya. Mag-iisang oras na siyang nag-eehersisyo habang nakikinig ng awitin sa kanyang airpods. Napapasingasing siya sa bigat ng kanyang workout.
Samantala, kauuwi lang ni Risa galing trabaho. Hindi maipinta ang mukha niya dahil hindi niya gusto ang kanyang madaratnan sa bahay. Diretso siyang nagtungo sa gym room. Nakasukbit pa rin ang bag niya sa kanyang braso nang humalukipkip siya at sumandal sa nakabukas na pintuan.
“Take it easily and slowly, Alice…” Sabi ni T-Dog.
“Don’t go faster, you won’t feel your legs later…”
“Let the adrenaline go…”
“Oh! Risa!” Masiglang wika ni T-Dog ngunit ang natanggap niya lamang ay isang dismayadong mukha.
Napalitan ng sigla ang seryosong mga tingin ni Alice pagkakita sa asawa. Last na set na ng workout niya kaya’t mabilis niya na itong tinapos. Kaagad siyang nagtungo kay Risa na noon ay tinanggal ang pagkakahalukipkip ng mga kamay at inabot ang palad ni Alice upang hawakan.
“Thank you, T-Dog.” Tumango si Risa sa lalaki.
Naglakad sila palabas ng gym ngunit tahimik lamang si Risa habang naglalakad sila sa hallway patungong silid nila ng kanyang asawa.
“Kanina ka pa tahimik,” sumimangot si Alice kay Risa at tumigil sa paglalakad.
Nasa tapat na sila ng kanilang pintuan sa kwarto.
“Bebi.” Nagtitigan silang dalawa. Humawak lang ng mahigpit si Risa sa kamay ng kanyang asawa at pumasok sa loob ng kwarto. Binaba niya ang bag niya sa kama at saka humawak sa mga kamay ng misis niya.
“I’m worried about you, Lizzy.”
“I am doing okay. T-Dog guides me.”
“I know, baby. But you heavylift, it worries me.”
“I will do okay, bebi. Do you trust me?”
“Of course, I do.” Humalik siya sa kamao ng asawa. “I’m just scared. I don’t want anything bad to happen to you.”
Ngumiti si Alice sa asawa niya. “Samahan mo ako maligo.”
“Sabay na tayong maligo.”
—Guo-Hontiveros—
“Risa. Risa, Risa.”
“Po?”
“Gusto ko kumain ng samgyetang sa Seoul, baby.” Inabot ni Alice ang telepono niya at nag-book kaagad ng flight nila papuntang South Korea.
“What time is it?” Dumapa si Risa at sinubsob ang mukha sa unan.
“2:51 am.”
“Baby, let’s sleep muna—”
“I want to eat samgyetang!”
“Kainin nalang kita para manahimik ka.”
“No! I wanna eat Korean cuisine, baby. Mamaya mo ko kainin.”
“We’re in Tarlac, baby. Not in QC.” Malayo ang byahe at trapik papuntang airport.
“Chopper. Clark Int’l Airport.”
Napabuntong-hininga si Risa. “What time is our flight?”
“4.”
Sa loob ng dalawang linggo ay sampung bansa na ang napuntahan ni Risa at Alice. Palagi silang lumalabas kapag kakain. Malambing na nakangiti si Alice sa asawa na noon ay di makapaniwalang sumusulyap-sulyap lamang sa kaharap dahil siya naman ang kumakain ng mga inoorder nito na dapat ang babae ang kakain.
BINABASA MO ANG
ALIBI
FanfictionHow are you supposed to believe in someone who made you as her alibi? A Senator has undertaken herself into a romantic affair with a person of interest and a national threat to her own country.