[19] SEND ME AN ANGEL

134 20 2
                                    

                                                                  ****

Kauuwi lang ni Alice Leal Guo sa Pilipinas. Kaagad niyang binawi ang kanyang posisyon ng pagiging alkalde ng Bamban, Tarlac, bagaman ay may katagalan ang pamamaraang propeso dahil ang kaso ni Alice ay sadyang hindi kapani-paniwala. Naidekalarang siya ay patay na tapos ngayon narito siya. Bumalik galing hukay.

Tumuloy si Alice sa lumang bahay niya rito sa probinsya. Inimbitahan ni Sheila si Jaira sa bahay ng kanyang kapatid at sa gulat nito ay nahampas niya ng napakalakas ang kaliwang pisngi ni Alice. 

“Ate Sheila! May hayop dito!” Sigaw ni Jaira habang hinahanap sa likod ni Alice ang kapatid nitong babae.

Hindi makapaniwalang napasinghal si Alice.

Inusisa ni Jaira ang kaharap niyang babae mula ulo hanggang pa. “Wala akong pangit na kaibigan.”

“Just ask questions, damn it.” Marahang kiniskis ni Alice ang palad niya sa kanyang napuruhang pisngi.

“Sinong fiancée ni Alice?”

Biglang nawalan ng gana si Alice. Tila nawala ang sakit sa kanyang pisngi. Binaba niya ang kanyang kamay at saka naluluhang tinitigan ang matalik na kaibigan.

“Ana Theresia Navarro Hontiveros.”

Kumunot ang noo ni Jaira at humalukipkip. “Anong tawag ni Alice sa kanya na ayaw na ayaw niyang tinatawag ng iba?”

“Therese.”

“Anong nickname mo?”

“Wala.”

“HA! Impostor! Sabi na eh, hindi ikaw si Alice. Sa pangit mong yan—”

“Lizzy. Therese could only get to call me that. You are allowed to call me too in that name pero ngayon hinding-hindi na.” Tinaasan ng mga kilay ni Alice si Jaira.

Napatakip ng mga bibig si Jaira ngunit hindi pa rin ito kumbinsido sa mga sagot niya. Kung kailangan magsimula siya mula dulo patungo sa pinakaumpisa ay gagawin niya.

“Paano kayo naghiwalay?”

“I chose to distance myself from my family. It’s safer that way but I ended up hurting them. Because I left.”

“Walang anak si Hontiveros,” sabi ni Jaira.

Kunot-noong tinitigan ni Alice ang babae. “There’s Kiko, Ianna, Issa, and Sinta. Oh, Sheila, where are the kids?” Bahagyang lumingon si Alice sa kanyang likuran at binalik din ang mga tingin sa kaibigan.

Mas lalong kumunot ang noo ni Jaira. Labis niya nang pinagtatakhan ang impostor na Alice. Kasama nga ni Risa ang mga bata eh. Nandito sila ngayon sa Bamban para makidalo ng pista. 

“Saan ka ipinanganak?”

“Beijing, China.”

“Kailan ka ipinanganak?”

“July 12, 1995.”

“Kailan birthday ni Risa Hontiveros?”

ALIBITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon