[22] THE CHOICE AND THE CHOICES

183 32 8
                                    

                                                                ****

“What happened yesterday?”

“You mean, what happened at midnight?”

“Did I do something stupid, didn’t I?”

Humigop ng kape si Jaira. Nakatayo ito sa tabi ng countertop at kunwaring nag-isip. Napangisi ang babae dahil naghihintay si Alice ng isasagot niya. Mukhang wala itong matandaan sa mga pinaggagawa niya kaninang madaling araw.

“Wala ka talagang matandaan?”

Umiling ang babae. May pagdahan ang paglalakad niya patungo sa kusina dahil malakas pa rin ang tama ng alak sa kanya. Pakiramdam niya ang gaan-gaan ng katawan niya at nasusuka siya. Labis ang pagkauhaw at sumasakit ang ulo niya.

“Have you taken the ibuprofen that was beside your bed?”

“No, I don’t take meds. Water, please.” Naupo si Alice sa countertop. “Anong nangyari kanina?”

“I’ll tell you once you’re hangover-free, would that be alright?”

“Alright, I will sleep.”

Alas-singko ng hapon. Maayos na ang pakiramdam ni Alice. Nakahanda na itong umuwi ng QC ulit upang makausap si Risa. Tatlong linggo na silang ganito—pupunta si Alice kay Risa at uuwing walang napapala. 

Pawang itim ang kanyang suot—sikip na T-shirt, maluwag na nylon pants, at malaking leather jacket. Puti ang kanyang sneakers. Kasama niya si Jaira na pupunta sa Manila. Sila ay gagamit ng sasakyang panghimpapawid. 

“Naalala ko pa yung sumayaw ako ng dayang-dayang and…drink a whole bottle of gin.”

“That happened. You swam in the pool with T-Dog, sinabi mong may lalaki sa pool at bubugbugin mo…”

“..You insisted on going to her place. Sabi mo, mas kaya mo siyang harapin kapag may tulak ng alak because you’d only end up obeying her order when you’re sober…”

“..I did not agree, really. Pero matigas ulo mo. Since you jumped off the pool you have to take a shower, girl, you suddenly cried while I watched over you. I fear that you might slip, which you did, buti nalang you could still hold your weight. You changed yourself. Ayaw kitang hawakan!”

“Si Asir lang pwedeng humawak ng boobies—”

“Alice.” Napa-facepalm si Jaira sa hiya. 

“Oh, bakit? Gusto mo hawakan ko yang dede mo?”

“Uwi muna tayo, bukas ka na pumunta sa kanila. Ako natatakot sayo, baka kung anong masabi mo kay Risa. Maiirita lang yun sayo.”

“Ayaw, pupunta ako ngayon. Hindi ko na kaya ng ganito. Gusto ko na siyang makasama, gusto ko na makita mga bata…Ano pang nangyari?”

“Palipad pa lang itong chopper, nagsususuka ka na. Passed out.”

“Di talaga ako nakauwi sa bahay nila?”

“Yes.”

“Woah!”

—Guo-Hontiveros—

Mag-alas otso na ng gabi nang umuwi si Risa. Naghintay si Alice sa labas ng bahay—pabalik-balik at palakad-lakad siya sa kanto. Tsaka lang siya pumasok nang mamataan niyang pumasok na rin ang sasakyan ni Risa. Limang dipa ang layo niya sa babae. Tahimik ang pagyabag niya nang nakapamulsa samantalang maingay ang mga takong ni Risa. 

“You’re home!!!” Sigaw ng mga bata. Ngumiti si Risa sa mga ito subalit nagtaka nang siya ay lagpasan ng mga bata. 

“Mame Lizzy! I missed you!!!”

ALIBITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon