IV. ALICE

226 27 8
                                    

“So, anong ginagawa natin dito?” Napakamot sa ulo si Jaira. Nasa likuran siya ni Alice. Naglalakad sila sa gilid ng kalsada. Halos alas-otso na ng gabi. 

“Ayun! Kuya, manong, tsong, uncle, sir! Yung dalawang kilong asin ko po! Asan na?” Lumiwanag ang mukha ni Alice at patakbong pinuntahan ang manininda ng balut.

“Anong asin?” Taka ni Jaira, at nang maalala ang nakaraa’y napakunot ito ng noo. “ALICE!”

Nilingon ni Alice ang kaibigan. Nakangiti lang siya habang nakaabot ang kamay niya at inaabangan ang asin. May hawak din itong isang libo. Binalik niya ang mga paningin niya sa tindero. “Pakyawin ko na to lahat, manong.”

“Eh anim nalang po ang natitira, ma’am.”

“Kunin ko na po. Manong, yung asin ko?”

“P-Po?”

“Manong, don’t break my heart! Sabi ko po sa inyo babalikan ko kayo at kukunin yung dalawang kilong asin ko!”

Natawa ang tindero. “Araw-araw akong may dala! Huwag mo lang uubusin sa anim na balut na bibilhin mo. Naku, komplikasyon sa katawan yan!”

Inabot ng lalaki ang isang supot na laman ang anim na balut at ang supot ng dalawang kilong asin kay Alice. Binigay ni Alice ang kanyang bayad at sinabing huwag na raw itong suklian. “Pahingi na lang po ng isang minuto niyo, manong. Magkwentuhan tayo saglit.”

Tahimik si Jaira sa tabi ni Alice na noon ay nakikipagkwentuhan sa buhay ng tindero. Batid ng kaibigan ng dalaga na nais lamang din nito na magpahinga ang lalaki. Kahit gabi rito sa Maynila ay sobrang init. Maliban na lamang sa loob ng malaking mga bahay, hotel, at magarbong pasyalan dito sa Maynila sapagkat mayroong aircon. 

Tatlo silang kumakain ng balut.

“Kagagradweyt lamang ng hayskul ng anak ko. Nais niyang tumigil at sa susunod na taon na lang daw siya papasok ng senior high school. Sobra akong nanghihinayang subalit kapos naman kami sa pera.”

“May lupa po ako sa Bamban! Gusto niyo ho na roong tumira?”

“Naku, hija.” Nahihiyang natawa ito sa kanya.

“Subdivision na ba ipapatayo mo sa tabi ng malaki mong bahay doon, Alice?” Kaswal na tanong ni Jaira sa kaibigan niya. 

“May lupa po ako, nakapaso.”

“Hindi ka matinong kausap!” Pikong bulalas ni Jaira. Tumayo siya at nag-walkout. “Bibili lang ako ng tubig! Diyan ka lang!” Galit-galitang dagdag ni Jaira at di na muling nilingon pa ang kaibigan.

Natawa lang ang dalawa. “Seryoso po, manong. Matalino naman ho anak niyo eh! Gusto niyo po bang magtrabaho sa akin? May chicken farm at piggery po ako sa probinsya ng Tarlac. Kailangan ko ho ng tauhan. Kapalit ng pagtatrabaho niyo sa akin ang pag-aaral ng anak niyo at pananatili niyo sa isang bahay ko.”

“Ayos lang po, manong,” dagdag ni Alice nang tumahimik ang katabi niyang lalaki. “Subukan niyo lang ho. Sisiguraduhin kong bukas ang pinto ng aking farm para sa inyo. Bumalik at umalis man ho kayo sa QJJ Farm!”

Pinagnilayan ng lalaki ang sinabi ni Alice na noon ay hininga pati ang mobile number ng tindero. Bumalik si Jaira na may dalang supot ng dalawang tubig at hawak niya ang isa pa’t para sa kanya.

Nagpaalam sina Jaira at Alice sa lalaki at nagtungo na sa QC. Nagtungo si Jaira sa bahay ni Aspen at naiwang mag-isa si Alice sa tapat ng gate ni Risa. Nagulat siya nang magbukas ito at bumungad sa kanya si Risa. 

Nakasuot ito ng maluwag na pink na T-shirt niya na pinatungan ng kanyang light pink na blazer at maitim na slacks. Samantalang nakasuot si Alice ng hapit na puting T-shirt at sikip na maong pantalon at naka tsinelas lamang. 

ALIBITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon