****
Sa isang bahay sa Loyola Heights, Quezon City.
Nakapamewang si Alice habang tinititigan ang sampung Japanese rice balls (na may salmon at mayo) na kanilang binili sa labas kanina ng mga bata. Katatapos lamang ng binata na maglagay ng seaweed sa bawat onigiri at nagtanggal ng plastic gloves.
“Kapag naubos mo yan you can sleep next to mom,” sabi ni Kiko (ang panganay ni Risa) kay Alice.
“You have to fit those two onigiri in your mouth, Liz,” utos ng pitong taong gulang na babae, si Issa.
“Okay,” kaswal na tugon niya.
Napamuwestra ng mga kamay si Sinta at nagugulumihanan niyang tiningnan isa-isa ang mga kapatid. Kasalukuyan silang nasa sala, nakaupo ang tatlong babae sa maputing L-shaped sofa habang nasa single couch si Kiko. Sa lapag lamang nakaupo si Alice habang naka-Indian seat. Siya ay nag inat-inat. Pinatunog ang mga kamay at batok. Nagsuot siya ng isang pares ng guwantes sabay dampot sa pagkain at sinubukang pagkasyahin sa loob ng kanyang mga bibig. Sinubukan niyang ngumuya subalit marami ang laman ng mga bibig niya. Natigil siya, at halos masuka dahil sa mayo.
“Hey, get Lizzy some water!” Sigaw ni Sinta, siya ay anim na taong gulang.
“Nagkasya sa bibig ko yung dalawa, kinain ko rin. Ha!”
Nang matapos ang challenge ay mabilis na pinaakyat ni Alice ang mga bata sa kani-kanilang mga kwarto. Mag-aalas nuwebe na ng gabi. Mag-isa siyang nakaupo sa sala, hawak ang kanyang telepono upang maghatid ng mensahe kay Risa.
Wer r d kids?
4:19 pmWer r u na?
4:37 pmI was calling u but u weren’t answering ur phone, Alice.
7:45 pmHi..
8:59 pmSorry, I replied late..
8:59 pmThe kids are already tucked in bed. They pulled harmless pranks made just for fun..
8:59 pmI took them to Gateway and watched Madame Web..
8:59 pmI flew a chopper so I could get here in Manila in less than an hour..
8:59 pmThere’s nothing serious that needs to be addressed urgently..so no work beyond regular hours, went straight here, and we, the four kids and I, went straight to the mall..we ate dinner at Max’s..
8:59 pmLet’s date.
9:17 pmI made a reservation at Cafe Ilang-Ilang.
9:18 pmI’m coming home to check on the kids.
9:20 pmPrep urself.
9:20 pmBakas sa mukha ni Alice ang pagtataka pero umismid siya. Ngingiti-ngiti siyang naghanda ng sarili.
—Guo-Hontiveros—
Nasa The Champagne Room sina Risa at Alice. Noong nasa daan sila ay kaswal na nakikipag-usap si Risa kay Alice na pawang tungkol lamang sa kanyang trabaho mula kahapon ang tinatala. Nabanggit din niya na may kinasal na naman ito sa kanyang opisina at may batang may gustong magpakandong sa kanya. Napatanong siya sa isip niya kung kailan kaya siya magkakaanak subalit may bibig pala ang utak niya kaya’t sa tingin niya’y iyon ang naging rason ng biglaang pananahimik ni Risa.
Tahimik lamang si Risa buong oras ng pagkain nila. Nanahimik din si Alice kahit na gusto niya itong kausapin. Nang matapos siyang kumain ay nagbuhos agad siya ng matapang na wine sa kanyang glass at saka ininom sa isang lagukan.
“What are you doing?” Seryosong tono ni Risa sa kanya.
Bigla siyang dumighay ng malakas at may katagalan.
“Sorry po,” nahihiyang ngumiti si Alice kay Risa.
“Slow down, we had the night to ourselves.”
“Binigyan ka pala ni Sen. Bong Revilla Jr. ng bouquet na red roses,” napamulagat si Alice, ambilis tumama ng ininom niya sa kanya.
“Yes, it was a kind gesture.”
“Nakipagbeso pa sayo,” sarkastiko ngunit kalmado ang boses ni Alice.
“I am not interested in him.”
“Okay po.”
“Stop being silly, honey. Alice…”
“Po?”
Tinitigan lamang ni Risa sa mga mata si Alice. Kanina pa mabigat ang pakiramdam niya habang nagtatalo ang puso’t isip niya tungkol sa kanyang nalaman. Napakasolido ng mga ebidensya laban kay Alice. Di umano ay sangkot si Alice sa isang organisadong krimen. Dati-rati’y alam ni Risa ang mga hakbang na gagawin kapag nasa ganitong sitwasyon siya. Pero parang ngayon ay sobra na. Biglaan lang ang pagkilala niya noon kay Alice at ngayong nasa intimate na silang relasyon ay hindi niya mawari kung itutuloy pa ba ito o ititigil na?
“You’re a national threat, Alice. May..nakalap kaming impormasyon tungkol sa kilalang..sindikato na balagbag sa iba’t ibang uri ng krimen..tulad ng..torture, human trafficking, extortions; kidnap for ransoms, illegal gambling, drug deals…at murder. I’m afraid you are linked to them…the Chinese Triads. Alice,” nangangamba ngunit pinanindigan ni Risa ang pagiging malamig kay Alice.
“T-There’s pictures of you severely beating up a guy to death. Everything is being questioned.”
Tahimik lamang si Alice. Wala itong pinapakitang emosyon. Ni kahit manlaki ang mga mata o gumalaw ng kaunti ay di niya nagawa. Nakatitig lang siya kay Risa.
“You’re a murderer,” bakas ang takot at muhi sa mukha ni Risa.
“Miss Risa…” Halos nagiba ang matigas nitong dingding nang makita itong may takot sa kanya.
Dati-rati’y siya lang ang natatakot kay Risa dahil sa mga kalokohan na ginagawa niya kasama ang mga bata. Ngayon ay nangangamba siya dahil takot sa kanya si Risa. Emosyong ayaw niyang maramdaman nito lalong-lalo na sa kanya.
“Aren’t you gonna speak up? Are there no things to defend you? Please, don’t tell me you’re involved…”
“M-Miss Risa…”
“Tell me, Alice,” sabi ni Risa nang may mahabang pasensya. “Look at me in the eyes,” mahinang utos niya nang mag-iwas ito ng mga tingin.
“H-Hindi ko alam…” Naguguluhang bigkas nito.
“Alice, meron ng ebidensya. Bat ka pa magsisinungaling? Sa akin,” nasasaktang wika ni Risa.
Dahan-dahan niyang kinuha ang envelope na pinadausdos ni Risa kanina. Binuksan niya at tahimik na tiningnan isa-isa ang mga litratong kuha habang pisikalan niyang pinahihirapan at sinasaktan ang isang lalaki. Siya nga ang nasa bawat mga litrato.
Mayroon ding mga papeles na nagsasaad ng kanyang mga naging krimen, at isang flash hard drive. “There are videos I would like to watch but not as much. I can’t even fathom. It’s just the worst.”
“W-What will happen, Therese?”
“There will be a Senate hearing next Monday. The committee subpoenaed you, you will have to attend. The next time we will see each other, I’m just a Senator who stands for her country,” malamig ang boses na sambit ni Risa kay Alice.
“A-Ano pong ibig niyong sabihin, Therese?” Para siyang pinagtakluban ng langit at lupa sa narinig.
“I am not a Senator for nothing. Salamat dahil naging mabuti ka sa akin pero hindi sa kapwa ko mga Filipino. Pasensya na, Alice…”
“M-May magbabago ba?” Natatakot na tanong niya.
“Nothing would change. You remain Lizzy with whom I have willingly chosen to share my life, but I don’t know anymore…”
BINABASA MO ANG
ALIBI
FanfictionHow are you supposed to believe in someone who made you as her alibi? A Senator has undertaken herself into a romantic affair with a person of interest and a national threat to her own country.