[17] LIVING HELL

114 18 12
                                    

                                                                 ****

“..I meet you po finally.”

Nang unang masilayan ni Alice ang taglay nitong kagandahan. Nakasisiguro siyang si Risa na ang hinahangad ng kanyang diwa at puso na makasama habambuhay. Labis ang kanyang tuwa dahil pinili niya ang malinis na daan at dahil dito ay sigurado siya kung mapaiibig niya ang babae ay magiging mapayapa ang kanilang pamumuhay. Subalit kabaligtaran lamang ng kanyang masayang panaginip ang naganap sa totoo nilang buhay. Hindi man lang natupad ang marami pang bagay na sabay nilang pinangarap. Namuhay lamang ang mga ito sa kanyang pag-idlip. At ang mga ito ay mananatiling masayang panaginip habambuhay. 

Wala rin namang mangyayari kung siya’y magsisisi. Pero hindi kaya ng puso niya ang katotohanang sa ganoong paraan sila magtatapos. Mas gugustuhin niya pang makita si Risa na masaya sa iba kaysa sa hindi ito muling makita. Siguro kung nagsalita na lamang siya noon kay Risa, siguro ay mas liliit ang magiging pinsala ng kanyang pananahimik at pagiging kasapi ng isang Chinese triads. 

Totoo pala ang sinasabi nila noon sa kanya. Na kung gaano kalalim ng iyong saya sa isang tao ay ganun din kalalim ng sugat kapag kayo ay nagkasakitan ng dalawa. Palaging may masarap at masakit sa pag-ibig. Palaging maikli ang oras sa panahon ng kaligayahan at panghabambuhay ang hapdi at kirot sa puso na dulot ng masayang alaala at pangitain. Alaalang ipagkakanulo ka sa mabulaklak na kinabukasan. Pangitaing manluluklok sayo sa sulok ng matinding pagsisisi.

Pinipiga ang puso ni Alice sa matinding sakit na dulot ng pag-ibig. Kung dati ay isang maling hakbang na lang talaga ay kamumuhian niya na ang kanyang sarili dahil sa naidulot niyang mapanlinlang na pag-ibig kay Risa, ngayon ay labis na ang hangarin niyang kitilin ang sariling buhay dahil siya naman ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Nasa sa kanya ang problema. Nasa kanya ang sisi. 

Kundi lang dahil sa lintik na pag-ibig na yan. Edi sana walang taong nadadamay nang dahil sa kanya. 

Hindi na kaya ni Alice ang hapdi kaya’t ito ay napasigaw sa sakit. Naghihisterya ang puso niyang nasugatan ng napakalalim. Kung ang pagmamahal sa kanya ay isang nakamamatay na lason, kailanman hindi mapapapayag ang puso niyang mangagat sa pain ang pinakamamahal at nag-iisang babae sa buhay niya para lang sa pag-ibig niyang hapdi at kirot at sama ng loob lang ang dala…

—Guo-Hontiveros—

Ang unang nakaramdam sa presensya ni Hontiveros ay si Sinta. Mas mabilis pa ito sa alas-kwatro nang napalingon sa direksyon ni Risa. Malapad ang ngiti sa mga labi ng kanyang ina. Napaluhod ito at dinipa ang mga braso upang salubungin ng babae ang kanyang anak ng isang napakaginhawang yakap. 

“Sobrang miss kita, mahal ko,” malugod na ngumiti si Risa nang dinadama ang yakap ni Sinta.

“I missed you more, Mommy ko! Please don’t ever leave us again! It feels like you’re the one who’s gone away even though Tita-Mama Pia and Uncle Luis only have to attend a close friend’s funeral! I don’t like it po,” naiiyak na sumbong ni Sinta sa kanyang ina.

“MOM!!!”

Tumayo si Risa at binuhat ang bunsong anak. Mabilis siyang naglakad patungong sala at sinalubong ng mahigpit na yakap ang tatlo niya pang mga anak. 

“Mommy, may urgent meeting po mga parents bukas at 1:00 pm. The other section has suddenly emerged with our section because Ms. Topaz has to handle other grade levels. I suppose it’s a reelection for the parent officers?” Bungad agad ni Issa kay Risa.

ALIBITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon