[16] WHEN LIFE SUCKS

133 21 10
                                    

                                                                 ****

Maaari pa ring magpatuloy ang pag-iimbestiga ng Senado sa isang tao kahit ito ay patay na. Bagama’t hindi na direktang matatanong ang indibidwal, maaari pa ring magpatuloy ang imbestigasyon sa ilang paraan tulad ng pagsusuri sa mga umiiral na ebidensya; pakikipanayam sa mga saksi; paghingi ng impormasyon mula sa mga kaugnay na ahensya at; pagtatalaga ng isang special counsel.

Kaya’t patuloy pa rin ang imbestigasyon nila tungkol sa buong pagkatao ng dating alkalde ng Bamban, Tarlac. Ang akala ni Risa ay kilalang-kilala niya na si Alice. Nasa punto na sila ng pagpapakasal noon ngunit wala man lang siyang kamalay-malay na ang tunay nitong pangalan ay Guo Hua Ping. Pero totoong half-Chinese at half-Filipino si Alice, at napatunayang self-defense ang pagpatay niya kay Centino. 

Labis ang nararamdamang pagod ni Risa pag-uwi ng bahay. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong wala ka namang taong uuwian. Kahit naroon ang mga anak niya ay para bang napakatahamik pa rin ng bahay. Wala na kasi si Alice na sasalubong sa kanya nang may ngiti sa mga labi at kahit pagod ito ay parang kagigising niya lang sa umaga kapag nasa bisig niya na. Wala nang humihingi ng mga halik at yumayakap sa kanya pag-uwi. Wala na si Alice na araw-araw ay may bagong mapanlarong pang-aasar kay Risa at pinakikitaan nito ng kanyang mga kalokohan. Imbis na masayang awitin at tono ni Risa kapag ito ay tumatawa, ngayon ay pawang katahimikan na lamang; sa bahay na rati ay puno ng magandang kwentuhan at tawanan nilang dating masayang pamilya.

“Mom, are we moving to Tarlac soon?” Tanong ni Kiko sa inang natutulala sa kusina. May hawak itong baso na may lamang kalahating malamig na tubig. 

“Mom has to work. We..stay here in QC. Pero sa probinsya tayo to celebrate holidays if you guys want to,” suhestyon ni Risa.

Napatingin ang mga bata sa kanya. 

“Are you okay, Mom?” Tanong ni Issa sa ina.

“I’m fine, baby. Thank you for asking. Will head upstairs. Manang will prep you to bed and will follow you there myself. Mom’s just gonna change, okay?”

Tumango ang mga ito sa kanya. Nang paakyat na ito ay muling napalingon sa mga anak. “I’m so sorry, I forgot to ask; have you guys eaten?”

“Opo. Ulam po namin pork adobo Chinese style, we ordered po where Mame Lizzy orders. Meron pa po. Kumain na po kayo?”

“Yes, my love, thank you.”

Lumabas si Risa ng kanilang silid na suot ang paboriting pink sweater ni Alice. Una niyang pinuntahan si Kiko, sumunod si Issa, Ianna, at panghuli ang bunso niyang anak, si Sinta. Nagtatanungan sila tungkol sa kani-kanilang kabuuang kalagayan at kapag si Risa na ang natapunan ng tanong ay inililihis niya kaagad ang usapan. Napupunta sa buhay edukasyon ng kanyang mga anak.

Kasalukuyang nasa silid ni Sinta si Risa. Magkayakap silang mag-ina. Gising na gising ang diwa ng bata habang nakapikit na ang mga mata ni Risa.

“Mommy?”

“Hmm?”

“Mame Liz is like an ate to me back in the day you haven’t yet introduced her as your partner po. When I called her ‘ate’ she grimaced and made a face. She’s like a kid; ayaw niya po natatalo siya…”

“She’s always like that,” mahinang sabi ni Risa nang nanatiling nakapikit ang mga mata.

“Aasawahin ko Mommy mo, sabi niya po sakin. Are you guys married?”

“No, baby.”

“Would you marry her if she’s ever alive, Mom?”

Napamulat ng mga mata si Risa at ibinaba ang mga paningin kay Sinta. Malungkot itong ngumiti sa bata.

ALIBITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon