****
Ang pagbabanta sa buhay ng kanyang natatanging minamahal ay maihahambing sa paghahagis ng bato sa isang babasaging salamin. Kahit na ang bato ay maliit lamang, ang pinsalang dulot nito ay maaaring mang-iwan ng malaking sira—nakabibinging daing ng hapdi, kirot, at kamatayan. Ang mga salita ng isang pagbabanta ay nagdudulot ng matinding siphayo, pagkabalisa, at pagkadurog ng puso sa kanya.
Pinagbuksan ng gate si Alice sa bahay ni Risa. Natataranta sa matinding pagkabalisa kaya’t naiwan niyang nakatumba ang pinakamamahal niyang maitim na sportbike. Samantala, matindi ang pagtataka ni Risa sa narinig mula sa kanilang katulong. Nakayakap sa kanya ang apat na bata habang patungo sila sa bukana ng bahay. Katatapos lamang nilang maghapunan.
Tila napawi ang sakit ng buong katawan ni Alice nang mamataan ang kanyang mag-ina. Nakaluhod siya sa sahig habang napapahinga ng malalim matapos ipatong ang dalawang palad niya sa kanyang mga tuhod.
“Kiko!” Tawag ni Risa nang bigla itong tumakbo sa direksyon ni Alice.
“Mom, it’s mame Liz,” sabi ni Sinta.
“Can we go?” Pakiusap ni Issa sa kanilang ina.
Halos matumba si Alice nang sabay-sabay ang mga itong yumapos sa kanya. Hindi niya mapigilan ang mga luhang lumandas sa kanyang mga pisngi. Bagaman nanatili sa puso ang kaba (dahil andito siya kila Risa at baka ito ay magalit sa biglaang pagsulpot niya) ay napanatag dahil maayos ang kanyang mag-ina.
“Namiss ko kayo, mga bata,” napapangiting sabi ni Alice nang kumawala ang mga ito sa yakap. Isa-isa niyang pinaghahaplos sa mukha ang mga bata sabay halik sa kanilang noo’t sentido.
“I thought we would move to…”
“Mame will make it happen, baby. Kumain na ba kayo?”
“Katatapos lang namin, Liz,” tugon ni Kiko.
“Can you come to bed with us, Mame?” Tanong ni Sinta.
“Maybe, we should ask your Mom first. I dropped by to just check up on you, children, and Mommy Reese, guess, you guys are fine.” Tumayo na si Alice at nang akma itong tatalikod at maglakad palayo ay narinig niya ang malakas na pakiusap ng mga bata na dapat siya ay manatili muna, kahit sandali lang.
“Okay, Mayor Alice will tuck you to bed,” walang nagawang pahayag ni Risa pero rinig niya ang pagtataka ng kanyang mga anak sa pamamaraan ng kanyang pag-address kay Alice.
“Mame Liz, Mom. You told me she’s part of the family.” Mapait na ngumiti si Risa.
“Babysitter,” kunwa’y natatawang pasaring ni Alice. “Let’s go upstairs na, mga bata,” aniya, at nang nayaya niya na ang mga bata ay mahina siyang tumanaw ng utang na loob kay Risa.
Naiwan si Risa sa kusina habang hawak-hawak ang isang baso ng wine. Mag-iisang oras na rin nang magtungo ang mga anak niya at si Alice sa kwarto nila. Kapag gusto ng mga bata na katabi sila ay palagi silang nasa master bedroom 2, at sigurado siyang doon dinala ng mga mata si Alice.
Nagtungo siya sa taas at pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang limang natutulog sa kama. Nakadipa ang dalawang kamay ni Alice at doon nakaunan ang mga bata. Magkatabi sina Ianna, at Issa, na noon ay mahigpit ang yakap sa tiyan ng babae, sa kaliwa habang mag-isa lamang si Kiko, na noon ay yakap ang malaki nitong dinosaur stuff toy, sa kanan, samantalang nakayakap sa kanyang hita si Sinta.
BINABASA MO ANG
ALIBI
FanfictionHow are you supposed to believe in someone who made you as her alibi? A Senator has undertaken herself into a romantic affair with a person of interest and a national threat to her own country.