[21] KUNSINTIHAN

203 30 3
                                    

                                                                                   ****

Hindi nag-atubili si Risa na sumama kay Alice. Ngunit habang nasa byahe sila pauwi ng QC ay mas lalong bumibigat lang ang pakiramdam ni Alice. Ni pagpoprotesta o inis ay wala siyang marinig mula kay Risa. Para siyang paulit-ulit na pinatay dahil sa pagiging malamig nito sa kanya.

Para siyang hangin kung gumalaw si Risa. Dumiretso ito sa ikalawang palapag ng bahay. Tsinek niya ang mga bata bago pumasok sa kanyang kwarto. Naiiyak si Alice dahil hindi man lang siya pansinin ni Risa, kausapin siya nito kahit ipinagtatabuyan na siya roon.

Sumunod siya sa kwarto at mabilis na pinigilan ang papasarang pinto. Lumingon si Risa sa kanya ng walang sigla ang mga mata at halatang ayaw makipag-ugnayan ngayon sa kanya.

“Kahit pakinggan mo nalang ako, please. Pagkatapos ko mag-explain, aalis din ako—”

“Get out.”

“Baby…” Bumusangot siya pero hindi gumana kay Risa at wala siyang imik, masyadong malamig at matigas ang puso niya para bumigay sa simpleng pagpapacute ng dalaga sa kanya.

Di niya na mapigilan ang pumapatak na luha kaya’t agad itong nagpunas gamit ang likod ng kanyang palad. “Isang minuto lang. Aalis din ako—”

“Get. Out.”

“I’m sorry…ayaw mo ba talaga akong kausapin? Ayaw mo na ba sakin?”

“Gusto kong magpahinga.”

“I-I’m sorry. Babalik nalang ako—”

“No need.” Tumalikod si Risa sa kanya at naglakad sa kanyang working table. 

Mabilis na pumasok si Alice at isinara ang pinto. Napatanga si Alice nang inaabot ni Risa ang susi ng bahay nila sa Tarlac.

“B-Bakit..tong susi?”

“Sayo.”

“No, I have a spare key to our house, keep this—”

“This is where I live. Not in Tarlac.”

Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang isinauling susi. Napayuko siya ng ulo. Nasasaktan siya sa maliliit na pagtugon ng babae sa kanya. 

“I still love you, Therese. Nothing’s changed.”

“Get out.”

—Guo-Hontiveros—

Nagbuksan muli ang kaso ni Zhang Yixing. Hindi nagtagal ang pagdinig sa korte dahil atat na atat na si Alice umuwi. Kaagad siyang umamin at naghihintay na lamang ng kanilang hatol. 

Ayon sa kanya, si Lao Yixing ang pumatay kay Zhang Yixing. Dismayado ang ama ng binata dahil sa iba ito maikakasal at hindi kay Alice. Nabanggit niya ang pananakot noon ni Lao sa kanya at hindi niya itinanggi ang kanilang relasyon ni Risa nang ito ay napahapyawan ni Aspen. Isa itong may sala sa mga paningin ni Aspen si Alice. Ngunit may kaalaman siya sa katotohanan kaya’t ginawa niya ang dapat sa trabaho niya. 

“Ano ang pipiliin mo, Alice? Sa kamay mo, o sa kamay ko mamamatay ang pamilya mo?”

Labis-labis ang takot ni Alice dahil ang mga magulang niya ang tinutukoy ni Lao Yixing noong taong 2021. At nang masangkot siya kay Hontiveros, pakiramdam niya ay ikamamatay niya kung may mangyari man sa kanyang sariling pamilya. 

Kaya mas pinili niyang lumayo sa kanya.

Kaya mas pinili niyang manahimik.

Kaya mas pinili niyang saktan ang pinakamamahal niya kaysa iba ang manakit.

ALIBITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon