Chapter 3

434 22 1
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 3:
∘₊✧──────✧₊∘



"Sumabay ka na."

Tinaasan niya ako ng kilay. Para pang may pagdududa ang tingin niya sa'kin. Akala mo naman ay may gagawin akong masama sa kan'ya kapag sumama siya sa'kin, sa aming dalawa, parang siya pa 'tong may gagawin sa'kin.

"Ayaw ko. Baka isumbat mo pa." Sagot niya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. "Sasakay na lang ako ng jeep." Patuloy niya at tumalikod na sana nang magpumilit akong sumabay na siya sa'kin.

"Kaibigan mo si Archer, 'di ba? Kaibigan ko rin 'yon." Sabi ko pa kahit na hindi ko pa naman talaga nakakausap si Archer.

"Malaking LOL. Hindi kakaibiganin ni Archer ang katulad—"

"Katulad kong ano? Grabe ah, ang ju-judgemental niyo." I cut him off. "Hindi naman ako masamang tao, nagmamagandang loob na nga ako rito tapos pag-iisipan mo pa ng masama—"

"Oo na, nangonsensya pa ang tanga." Putol niya rin sa'kin, siya na nga rin ang naunang pumasok sa sasakyan.

Napakurap na lang ako at tumingin sa nakasarang pinto ng kotse. Papayag din naman, kailangan pang konsensyahin.

Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang siyang nakatingin sa labas. Ni hindi man lang humarap sa'kin. Grabe.

"Hindi ko akalain na magaling ka pala kumanta." Pagbasag ko sa katahimikan. Lumingon naman agad siyang sa'kin. "Congrats nga pala. Grabe, dalawang taon na kaming natatalo ng banda ng South." Patuloy ko.

Natawa naman siya at nailing, "Ano ka ba, ako lang 'to." Mayabang na sabi niya. Napailing na lang ako at medyo natawa. Iba talaga ang yabang ng isang 'to.

"Yabang, ah."

"May maipagmamayabang, e." Nagkibit-balikat pa siya saka tumingin sa'kin. Napailing na lang ako.

"Noong high school tayo, hindi ka naman gan'yan kayabang." Sabi ko. Tumingin pa ako saglit sa kan'ya. Noong minsan kasing pinaalala ko ang about noong high school kami ay nagalit yata siya.

"Akala mo lang." Sagot niya at tumingin na ulit sa labas. "Hindi mo naman ako kilala noon kaya—"

"Sorry." Agap ko agad. "Hindi ko na ipapaalala pa ang mga nangyari noong high school tayo." Patuloy ko. Baka kasi trigger pala 'yon sa kan'ya. Baka sensitive 'yon dahil paniguradong ayaw na rin niyang alalahanin ang bullying na naranasan niya noon.

"Dapat lang, dahil masasapak na talaga kita." Sagot niya. Ngumiti na ulit ako dahil nakita kong umaliwalas na ang mukha niya.

Mabilis kaming nakarating sa North dahil walang traffic. Simula na rin kasi ng afternoon class.

"Salamat. Hayaan mo, babayaran ko ang utang na loob na 'to." Sabi niya nang lumabas kami ng sasakyan.

"Wala 'yon. Huwag mo na isipin. Dito rin naman ako papunta." Sagot ko.

Ilang sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. Nakatingin lang kami sa isa't isa.

"Sige, una na ako." Umiwas siya ng tingin at tumalikod na.

"Saglit." Pigil ko. Lumingon siya ulit sa'kin nang nagtataka. "Magkaibigan na tayo, ah." Patuloy ko. Wala lang, gusto ko lang siya maging kaibigan, bakit ba?

Kumunot saglit ang noo niya, pero agad ding tumawa, "Ayaw ko nga." Sagot niya.

Ngumisi ako, "Dahil gusto mong more than friends?" Sagot ko. Nailing naman siya, pero nandoon pa rin ang ngiti sa labi.

"Gago ka." Sagot niya, "Una na ako. Hinihintay na ako ng kaibigan ko. Bye." Sabi niya at naglakad na talaga palayo sa harap ko.

Tumalikod na rin ako para pumasok sa klase ko ngayong hapon. Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon