Chapter 28

231 13 5
                                    

note: not edited.

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 28
∘₊✧──────✧₊∘




"Merry Christmas." Nakangiting bati ko sa kan'ya saktong twelve midnight.

Nandito na ulit kami sa kwarto ko. Mamaya na kami pupunta sa baba. Makakapaghintay naman sila roon.

He smiled back, "Merry Christmas."

Inabot ko sa kan'ya ang hawak kong paper bag. Kunot noo niya iyon tinanggap.

"Ano 'to?"

"Buksan mo." Nakangiting sagot ko. Parang mas ako pa 'yong excited na makita niya 'yon.

Kumunot lalo ang noo niya nang makita ang laman ng paper bag.

"Record player?" Tanong niya. Malawak ang ngiting tumango ako.

"I recorded all your favorite songs." Sagot ko. Lahat ng nasa playlist niya inaral ko para lang mai-record. Wala kasi akong maisip na pwedeng ibigay sa kan'ya ngayong pasko.

"Uhm... thank you."

"You're welcome." Kinuha ko sa kan'ya 'yong record player. I played the song Ligaya by mrld.

"Sorry, I don't have any gift for you." napatingin ako sa kan'ya.

"Sapat nang kasama kita ngayon. Ikaw na mismo 'yong regalo." Sagot ko.

"Dapat pala binalot ko na rin saliri ko ng gift wrapper." Sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya.

Masaya ang gabi na 'yon. Bukod sa kasama ko si Everest, masaya rin ako dahil ito na rin ulit 'yong unang pasko na okay kami nila Mommy at Daddy.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Napangiti ako nang bumungad sa paningin ko ang mahimbing na natutulog na si Everest.

Ganda naman ng bungad ng umaga sa'kin. Merry Christmas nga talaga sa'kin.

He looked almost ethereal. Tumatama ang liwanag ng araw na nagmumula sa glass window ng kwarto sa maganda niyang mukha. He's beautiful. Ang sarap titigan, hindi nakakasawa.

Mahaba ang mga pilik-mata niya. Ngayon ko lang din napansin na may nunal pala siya sa baba ng mata.

Bumaba ang tingin ko sa bahagyang nakabukas na labi niya. Lord, awa na lang talaga sa'kin.

Napalunok ako at umiwas ng tingin sa mukha niya. Tumikhim din dahil parang natuyuan na ng lalamunan.

Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang gumalaw. Nagulat pa ako nang bigla niyang ipatong sa bewang ko 'yong kamay niya at umusog palapit sa'kin.

Pigil ko ang hininga dahil sa sobrang lapit niya sa'kin. Ito 'yong unang beses na ganito kami kalapit sa isa't isa. Fuck.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong parang nabato sa pagkakahiga. Parang hindi na nga rin ako humihinga.

Nagtaasan ang buhok ko sa katawan nang tumama ang hininga niya sa leeg ko. Tang ina. Lord, awa na lang talaga.

Ibinaba ko ang tingin sa mukha niya. Ang payapa pa rin. Maganda pa rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon