Chapter 17

345 18 5
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 17
∘₊✧──────✧₊∘




"Ha?"

He asked, gulat na gulat.

I let out a heavy sigh. Umiwas din ng tingin habang iniisip ang susunod na sasabihin. Hindi ko alam paano simulan.

"Don't force yourself to share din just because I shared something." Napatingin ako sa kan'ya nang marahan niyang sabihin 'yon.

I smiled weakly.

"Makikinig naman ako kung gusto mo na talaga magsabi, Davy." Sabi niya na nakatingin nang diretyo sa mga mata ko. Ngumiti rin siya at tinapik ang balikat ko.

Napatingin ako sa kamay niya na nakapatong sa balikat ko. May suot siyang bracelet. Guitar pick. Nang maramdaman niya yatang nakatingin ako sa kamay niya ay agad niyang binawi.

Mula sa kamay niya, nalipat ang tingin ko sa mukha niya. Tumatama ang ilaw sa mukha niya. Nakalimutan ko sandali 'yong iniisip kanina nang makita ang kislap sa mata niya.

"Everest," tawag ko sa kan'ya. Tumingin siya sa'kin, hinihintay kung ano ang sasabihin ko. Pero imbes na magsalita ay nakatitig lang ako sa kan'ya.

Kumunot ang noo niya, bumuka ang bibig, pero hindi rin siya nagsalita. Parang nailang siya sa paraan ng pagtitig ko sa kan'ya.

Sandali ulit na natahimik kami. Hindi niya alam kung saan titingin dahil nasa kan'ya pa rin ang tingin ko. Lumilingon siya sa'kin, pero kapag nakikita niyang nakatingin pa rin ako sa kan'ya ay iiwas siya agad.


Tumikhim siya, bumaling ulit sa'kin saka nagsalita. "H—hindi ako sanay na tahimik ka."


Napahawak ako sa batok. Ngumiti nang tipid, "Ako rin hindi sanay." Sagot ko saka tumawa.

Para ngang hindi ako 'to. Kahit ako nagtataka na masyado akong tahimik ngayon.


"Mas gusto ko pang maingay ka kaysa ang tahimik mo." Sabi niya, tumawa rin ng marahan.

Huminga ako ng malalim, "Sa totoo lang, gusto ko talagang mag-share sa'yo tungkol sa buhay ko, pero hindi ko alam kung paano simulan..." Mabagal na sagot ko. Isinandal ko ang dalawang kamay sa likod para suportahan ang katawan ko.

Tumingala ako sa langit. Walang stars ngayon, pero walang senyales na uulan.

"Dahil hindi ka sanay magsabi ng nararamdaman mo." He added.

"Hmmm." Tumango ako.

"Kapag malungkot ka, anong ginagawa mo?" Tanong niya.

"Pumunta sa bar. Mag-party gano'n." Sagot ko.

"Ah... lumalandi." He uttered kaya napalingon ako sa kan'ya nang kunot ang noo.


"Wala akong sinasabi na lumalandi ako." Apila ko agad. Sa tingin pa lang kasi niya ay hinuhusgagahan na niya ako.

"Bakit ka defensive?" Tumaas ang kilay niya.

Napapikit na lang ako, ang bilis lumihis ng usapan, ah.

"So," tumikhim siya. "Partying is your coping mechanism?"

Tumango ulit ako, "Yeah."

"Why don't you share your problems to your friends? Marami ka namang babaeng kaibigan? They can help you to lessen the burden." Sagot niya.

"Kahit na hindi ako magsabi, buksan ko lang group chat namin nababawasan na." Sagot ko saka tumawa.

Kahit yata gaano kabigat 'yong nararamdaman mo, kung mababasa mo 'yong mga kalokohan nila sa gc mawawala, e.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon