Chapter 22

457 23 8
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 22:

₊✧──────✧₊∘




"Nandito pala kayo!" Nangunot ulit ang noo ko nang sumulpot na naman iyong epal na Yohan. Sarap niyang sipain dahil nakangiti na naman siya kay Everest. Hello, nandito ako!

"Bakit?" Tanong sa kan'ya ni Everest.

"Sumali kayo roon sa kantahan," he pointed out sa mga magkakaibigan sa palibot ng bonfire. May mic stand na rin sa harap. "Para ka namang iba, Everest, sila Terrence lang naman ang nadoon." Patuloy niya at tumaas-baba ang kilay niya kay Everest.

"Kayo na lang, dito na lang kami ni Davy." Sagot niya, roon lang yata ako napansin nitong lalaking 'to dahil nang banggitin ni Everest ang pangalan ko ay roon lang siya tumingin sa'kin.

"Ayaw mo ba makita ulit sila Terrence? Miss ka na nila, e. Nagtatampo na nga at hindi ka na raw sumasama sa mga ganap ng grupo." Pagpilit niya kaya napairap ako.

"Ayaw niya nga, bakit pinipilit mo?" Mahinang singit ko. Naramdaman ko ang paglingon sa'kin ni Yohan at halatang nagulat.

Magsasalita na ulit sana si Everest nang biglang may itinuro si Yohan, "Nand'yan na pala si Terrence, e!" Napatingin ako sa lalaking itinuro niya.

Isa iyong matangkad na lalaki, mga magka-height lang sila ni Everest, I think 5'10. Mas matanggkad ako kay Everest, e dahil 6'1 ako.

"Rence!" Tawag niya pa roon sa lalaki. Napatingin ako kay Everest.

Hindi siya mapakali, parang bigla siyang naging uncomfortable.

"Everest! Nandito ka rin pala, sakto, kompleto ngayon ang grupo." Sabi niya nang makalapit siya sa'min. Tumaas ang kilay ko dahil hindi man lang niya yata ako napansin.

Tipid na ngumiti sa kan'ya si Everest, "Ah... Oo." Sagot niya roon sa lalaki. Tumingin sa'kin si Everest, kita ko sa mukha niya na hindi niya gusto ang nangyayari kaya tumayo ako dahilan para mapatingin sa wakas sa'kin iyong Terrence daw at si Yohan.

"May kasama ka pala?" Tanong niya kay Everest. Napayuko si Everest dahilan para kumunot ang noo ko. Ano bang mayroon sa mga 'to?

"Yes, kaya kung maaari ay p'wede na ba kaming umalis?" Tanong ko.

Ngumisi iyong Terrence kaya tinignan ko siya ng mariin.

"Chill. Gusto lang naman namin makasama ulit si Everest." Sagot niya. Napaismid ako dahil doon.

"Pre, kita mo naman na he's uncomfortable, ayaw niya ngang sumama."

"Everest?" Tawag niya ulit kay Everest na nakayuko pa rin. Nang iangat niya ang ulo para tignan kami ay huminga siya ng malalim saka tumayo.

"You're really uncomfortable with us, EK?" Tanong niya ulit. Malumanay na ngayon at tunog nag-aalala na.

"Sa totoo lang? Oo." Diretyong sagot ni Everest dahilan para magkatinginan ang dalawa.

"Sorry," Terrace apologized. "Akala ko kasi..."

"Okay lang, ayaw ko lang ng gulo ulit." Sagot ni Everest. Tumingin siya sa'kin, "Aalis na kami." Patuloy niya at hinila na ako roon.

Habang naglakakad kami papunta sa tent namin ay tahimik lang ako. Paminsan-minsan ay lumilingon siya sa'kin, pero tipid lang akong ngumingiti. Gusto ko man magtanong, pinipigilan ko ang sarili. Mas okay kung siya na lang mismo ang kusang magkuwento sa mga nangyari. Dahil noong huli na nagtanong ako sa kan'ya ay nainis siya.

"Wala ka bang tatanungin?" Pagbasag niya sa katahimikan.

"Mayro'n, pero hindi ko alam kung gusto mong sagutin." Sagot ko.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon