Chapter 26

355 13 0
                                    

random lang 'tong chapter na 'to hahahaha

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 26
∘₊✧──────✧₊

"Masakit ulo mo?"

Tanong ko, nandito ako ngayon sa kwarto niya at nag-aaral kaming dalawa para sa finals.

Nakaupo siya sa sahig habang ako ay nakadapa sa kama.

Nakapikit siya habang hawak ang ulo. Kanina pa kasi kami nag-re-review.

"Magpahinga na muna tayo, mamaya na lang ulit mag-review." Sabi ko at lumapit sa kan'ya to massage his head.

"Hindi ba talaga pwede pumunta sa music event niyo?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang mahaba niyang buhok.

Tinanggal ko 'yong tali saka ko sinuklay gamit ang daliri ko. Ang healthy ng buhok niya.

"Bawal nga." Mahinang sagot niya, halatang pagod at inaantok na.

"Pasabi nga sa President ng university niyo na payagan niya ako." I joked. Lumingon naman siya sa'kin para lang irapan ako kaya natawa ako.

Itinali ko ulit iyong buhok niya sa harap. Humiga ako sa kama para tignan siya.

"Tawagan mo, ikaw magsabi." Sagot niya kaya natawa ulit ako. Tumawa rin siya at tumayo para humiga sa tabi ko.

"Siya pa dahilan para hindi kita makakasama after ng finals niyo." Sabi ko pa na ikinairap niya ulit.

"Ang clingy mo naman." Sabi pa niya kaya tumango ako.

"Omsim." Sagot ko.

"Baka pati sa iba gan'yan ka." Agad akong bumangon para lang simangutan siya.

"Sa'yo lang ako ganito!" Angal ko agad.

Kinuha niya iyong unan at ibinato sa'kin, "Ang defensive, ah." Sabi niya, natatawa.

"Nagpapaliwanag lang." Sagot ko at humiga ulit.

"Gusto ko ng ice cream." Ilang sandali lang ay sabi niya kaya nilingon ko siya. Nakanguso siya habang nakatingin sa kisame, napatulala rin tuloy ako sa kan'ya. Damn. Gusto ko tuloy siyang halikan!

"Sumasakit ulo ko sa mga binabasa kong notes." Patuloy niya at lumingon sa'kin.

Napakurap ako, napatikhim. "Tara seaside." Pagyaya ko. Sa seaside na talaga ang naging tambayan naming dalawa.

Pumunta nga kaming seaside. Eight pm pa lang naman kaya okay lang.

Dumeretyo kami kay Manong na nagtitinda ng ice cream. "Ser, siya ba 'yong kinukwento mo na nililigawan mo?" Tanong ni Manong nang makarating kami sa harap niya.

Nakangiti siyang tumingin kay Everest na halatang nagulat at nahiya.

Natawa ako kay Manong, "Opo. Pogi, 'no?" Sagot ko. Noong nakaraang pumunta kasi kami rito ay nasabi ko kay Manong na may nililigawan ako. Nakakatuwa lang dahil noong nalaman niyang lalaki ang nililigawan ko ay hindi siya nandiri, na typical na reaksyon ng ilang mga matatanda kapag usapang gano'n.

May anak din daw kasi siyang bakla. And he's proud. Sana lahat ng parents ay gaya niya.

"Bagay na bagay kayo, Ser." Nakangiting sabi pa niya kaya napangiti ako lalo. Tipid din na ngumiti si Everest sa kan'ya, pulang-pula na naman ang mukha kaya natawa ako.

Matapos namin bumili ng dirty ice cream kay Manong ay naglakad kami papunta sa mga benches para maupo.

"Hindi ka ba natatakot na ma-judge kapag nalaman nilang hindi ka straight?" Bukas niya ng topic.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon