Chapter 14

364 20 1
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 14:
∘₊✧──────✧₊∘



"Wait!"

Pigil ko sa kan'ya. Tumigil naman siya sa pagtipa sa gitara ba hawak at salubong ang kilay na tumingin sa'kin.

"What again? Akala ko ba gusto mong kantahin ko?" Inis na sabi niya. Napakaikli talaga ng pasensya niya.

"Hindi ko kasi marinig 'yong boses mo." Sagot ko. Malakas naman ang speaking voice niya, pero kasi sobrang soft kapag kumakanta siya.

"Anong gusto mong gawin ko, sumigaw ako? O, baka gusto mong mag-mic pa ako?" Irap niya kaya natawa ako. Sungit.

"Pwede naman akong pumunta diyan sa inyo. O, pwede ring ikaw ang pumunta rito." Sagot ko. I gave him my sweetest smile, pero ngumiwi lang siya.

"Tsk. Fine, you can come. Since you know the song very well, maybe you could help me." Sagot niya.

"Sure."

Nakangiti akong bumaba. Nakasalubong ko pa si Ate Hailey na kunot ang noo.

"Saan ka pupunta? At anong ngiti 'yan?" May pagdududa sa mukha niya. I shrugged.

"Diyan lang ako, babalik din ako mamaya." Sagot ko at nilagpasan siya. Hindi naman na niya ako pinigilan.

"Son, saan ka pupunta." Napatigil ulit ako nang magsalita si Daddy. Nasa living room pala siya. May blueprint sa lamesa.

Paniguradong may big project na naman sila ni Mommy.

"Diyan lang po sa tapat." Sagot ko. Lumabas si Mommy sa kusina, may dalang dalawang baso ng kape.

"Sa tapat? You mean sa bahay sa tapat?" Tanong niya. Napapikit ako, bakit ba ang daming tanong? Para naman akong bata nito. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Andrei kapag ang daming tanong sa kan'ya ng Daddy niya.

"Yes, Mom." Sagot ko.

"Let him, Hon. Diyan lang naman pala sa kapitbahay." Si Daddy. Tumango siya sa'kin, parang sinasabi niya na pumapayag siyang pumunta ako roon.

I remember when I was still a kid. This is also how he defend me to Mom when I want to go outside and play with my friends. Kung pwede lang bumalik kami sa dati, but it's not going to happen even if I want it to.

Sinalubong ako ni Everest sa gate nila at sabay kaming pumasok sa bahay nila.

The design of their house is minimalist. Maraming picture frames sa living room. Family pictures 'yon. Every generation yata nila nandoon.

Malawak ang bahay. Pero ni isang tao wala akong makita, siya lang ba nandito? Minsan ko lang din kasi nakikita ang Mommy niya rito, e.

"Sa terrace na lang tayo." Napatingin ako kay Everest nang magsalita siya.

"Wala ang Mommy mo?" Tanong ko habang paakyat kami papunta sa terrace.

"Wala. Kami lang ni Shang nandito." Sagot niya.

"What?! Iyong babae? Kayong dalawa lang?!" Gulat na sabi ko, tumigil pa ako sa pagpanhik pataas.

Tumigil din siya at kunot ang noong tumingin sa'kin.

"Alam mo, 'yang utak mo pakipalitan na lang. Napakadumi, ah." Sabi niya.

Paanong hindi? "Lalaki ka, babae siya—"

"Gano'n ka siguro 'no? Huwag mo ako igaya sa sarili mo." Sabi niya saka tumalikod at naglakad na ulit paakyat.

Sumunod ako sa kan'ya, "Sorry." Sabi ko. Kasi naman...

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon