Chapter 13

359 20 0
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 13:
∘₊✧──────✧₊∘


Nagising ako na masakit ang ulo. Kahit nakapikit pa ang isang mata ay bumangon ako para makaligo na. Feeling ko iyon ang makakatanggal sa sakit ng ulo ko.

Wala na rin ako masyadong maalala sa mga nangyari kagabi. Basta ang alam ko lang ay sabay kaming umuwi ni Everest.

Matapos kong maligo ay bumaba ako para magtimpla ng kape. Nagtaka pa ako dahil wala ni isang tao sa sala.

Nagtimpla ako ng kape, gusto ko iyong matapang na matapang. Wala rin akong nilalagay na asukal. Nag-toast lang ako ng bread at nagluto ng pwede kong kainin.

Tahimik ang buong bahay habang kumakain ako. Anong oras na ba at walang tao sa bahay?

Natapos na akong kumain at lahat-lahat, wala pa rin akong nakitang bakas ng mga kasama ko rito.

Bumalik na lang ako sa kwarto. Wala naman akong pupuntahan ngayon. Itulog ko na lang siguro muna.

Nagising ako no'ng makarinig ako ng ingay sa labas. Mukhang dumating na 'yong mga tao rito sa bahay. Kung saan man sila galing ay wala akong pakialam.

Lumabas ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom.

"Kakagisng mo?" Tanong ni ate nang makita akong pababa. Nasa kusina rin sila, kakain na yata sila ng lunch. Silang dalawa lang ni Manang 'yong nandito. Nasaan 'yong mag-asawa?

"Oo," tipid na sagot ko saka binuksan 'yong ref para kumuha ng tubig.

"Si Daddy at Mom nakita mo?" Tanong niya. Nilingon ko siya na kunot ang noo. Iyon nga rin ang tanong ko.

"Hindi. Wala naman akong naabutan na tao rito." Sagot ko.

"Perfect." Sabi niya, pumalakpak pa at tumayo saka lumapit sa'kin. "Next week, anniversary ni Dad and Mom, so, I'm planning to surprise them." Patuloy niya at hinawakan ako sa braso.

"Tapos?" Bored kong tanong. Ano naman kinalaman ko roon?

Hinampas niya ako sa braso at binitawan ako. Masama ang tingin niya sa'kin kaya kumunot din ang noo ko.

"Why you're like that?"

"Like what?" Inosenteng tanong ko.

"Ang cold mo sa kanilang dalawa." Sagot niya. She crossed her arms, salubong pa rin ang kilay na nakatingin sa'kin.

"Dapat bang magliyab ako sa kanilang dalawa?" Pilosopong sabi ko kaya namewang siya at ang sama ng tingin niya sa'kin. Natawa ako saka ako umupo, tinignan kung anong kakainin namin ngayong lunch.

"Nagtataka lang ako," sabi niya kaya saglit akong tumingin sa kan'ya. Naglakad na rin siya para maupo ulit. "You and Dad are so closed. Anong nangyari?" Patuloy niya.

Napatitig ako roon sa pinggan na nasa harap ko. Hindi pa ako kumakain, pero parang nawala na 'yong gutom ko dahil sa sinabi niya.

"Wala naman nangyari." Sagot ko. Hindi ko na siya pinansin. Nagsandok na lang ako ng kanin at ulam para makakain na at para hindi na magtanong pa si Ate ng kung ano-ano.

Bumuntong hininga siya.

"At least help me sa surprise ko sa kanila?" Tanong niya, nangungusap ang mga matang nakatingin sa'kin.

"Ano bang gagawin?" Tanong ko nang hindi na niya ako kulitin, at para makakain na rin ako ng payapa rito.

"Kantahan mo sila? Like before?" Sagot niya. Tumingin ako sa kan'ya. "Please?" Patuloy niya.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon