Chapter 20

400 18 2
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 20:
∘₊✧──────✧₊∘



Sinundo nga namin si Archer sa unit niya. Parehas pala sila ni Arrow na nakatira sa Lavender Residence.

"Oh... siya pala 'yong kasama natin." Iyon agad ang sinabi niya nang makita akong nakatayo sa likod ni Everest.

"Hi! Davy nga pala." Pakilala ko sa sarili ko. Archer just nodded at me, parang wala siyang pakialam. Anak ng...

"Tara na." Pag-aya ni Everest na siyang sinunod namin.

Dumaan muna kami sa bilihan ng bulaklak. Bumili na rin kami ng kandila at pagkain.

Nang makarating kami sa sementeryo ay sinundan ko lang silang dalawa. Nagbubulungan sila, paminsan-minsan ay tumitingin sa'kin si Archer at pinandidilatan ako ng mata na parang may kasalanan ako sa kan'ya. Tsk. Siya dapat pandilatan ko riyan dahil may gusto sa kan'ya si Everest.

Nang makarating kami sa tapat ng puntod ng Mama ni Archer ay inilapag na namin doon ang bulaklak na binili namin kanina, nagsindi na rin kami ng kandila.

Umupo silang dalawa sa tabi ng puntod kaya umupo na rin ako roon. Tinatanggal ni Archer ang mga natuyong dahon na nasa lapida ng Mama niya.

Hindi ko alam na hindi pala sila buong magkapatid ni Bliss. Alam kaya ito ni Arrow?

"Saan ba kayo pupuntang dalawa?" Tanong ni Archer habang binubuksan niya iyong mga pagkain na binili rin namin kanina. Mga kakanin iyon.

"Viewpoint." Tipid na sagot ni Everest. Tumingin sa'kin si Archer, nagitla pa ako dahil sa sama ng tingin niya. Parang binabantaan niya ako.

"Bakit kayo pupunta roon?" He asked again, diretyo pa rin ang tingin niya sa'kin. Parang hinahalukay na niya ang kaluluwa ko. Ganito ba ang mga tipo ni Arrow?

"Gagala malamang." Sagot ko. Mas dumiin ang tingin niya sa'kin kaya napasiksik ako sa tabi ni Everest. Nang tignan ko ang reaksyon niya ay naiiling siya habang pinipigilan ang pagtawa.

"Ah... gano'n? Kayong dalawa lang?" Tumaas ang kilay niya.

"May nakikita ka pa bang iba bukod sa'min?" Balik tanong ko, inaasar siya.

Everest chuckled. Mas sumama naman ang tingin sa'kin ni Archer. Wrong move yatang asarin siya, baka mamaya siya pa dahilan para hindi ako makaporma sa kaibigan niya.

"Oo kami lang, Arc. Pero kung gusto mo, sumama ka na lang sa'min." Suggestions ni Everest kaya marahas akong lumingon sa kan'ya na salubong ang kilay.

"Hindi p'wede, sa iba na lang siya." Sagot ko at tumingin kay Archer na nakahalukipkip nang nakatingin sa'min.

"Gusto mo ba 'tong kaibigan ko?" Tanong niya sa'kin. Maangas pa niya akong tinignan, parang palasong tumatama sa'kin iyong tingin niya.

Tumikhim si Everest, ako naman ay napalunok. Tang ina, mapapaamin pa yata ako ng wala sa oras dahil dito kay Archer.

Arrow, pakikuha na nga 'to. Nanggugulo pa sa diskarte ko, e.

"We're friends, Arc." Si Everest ang sumagot. Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin.

Ibaon ko na kaya rito sa sementeryo iyong patay kong puso? Ayan na naman kasi sa walang kamatayang 'magkaibigan' lang kami. Idiin niyo pa. Hayop na 'yan.

Tumahimik naman na siya kalaunan, pero kapag napapatingin siya sa'kin ay masama pa rin talaga ang tingin.

"Nakakatakot pala talaga 'yang si Archer." Bulong ko kay Everest nang busy na si Archer na sindihan ulit iyong mga kandila dahil umihip kanina ang hangin.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon