Chapter 7

421 20 0
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 7:
∘₊✧──────✧₊∘


"Ano ba kasi ang laman no'ng binigay mo noon?" Tanong ko kay Everest. Naasakay na kami ngayon sa jeep pauwi sa village.

Tumingin siya sa'kin na kunot ang noo, "Hindi mo pa nababasa?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Ang tagal na no'n, ah. Nasa'yo pa rin?" Tanong niya kaya tumango ulit ako. "Tsk. Buti naman at hindi mo binasa. At huwag mo na babasahin. Ibalik mo na lang ulit sa'kin."

Bahagya akong humarap sa kan'ya at ngumisi, "Binigay mo na sa'kin, ibig sabihin sa'kin na 'yon. Bawal na bawiin." Sagot ko.

Siniko niya ako kaya napadaing ako, nasagi ko pa 'yong katabi ko. Bumaling ako sa kan'ya para humingi sana ng pasensya.

"Ano ba 'yan, pati kasi sa sakayan ng jeep maraming mga bakla na salot talaga sa lipunan!"

Isa siyang lalaki na malaki ang katawan. May mga tattoo sa braso, hindi ko naman sana huhusgahan, pero nauna siya. Mas mukha nga siyang salot kaysa sa mga bakla, e. Masama ang tingin niya sa'min ni Everest kaya nagsalubong din ang kilay ko.

"Mas-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang hawakan ni Everest ang braso ko.

"Hayaan mo na 'yan. Baka ikapahamak pa natin." Pigil niya. "Mukha pa namang basagulero." Patuloy pa niya at sumilip doon sa katabi ko. Nang makitang nakatingin yata sa'min 'yong lalaki ay bigla siyang nagtago sa likod ko.

Masama kong tinignan 'yong lalaki. Sarap niyang birahin, e. Tinakot pa si Everest, tsk.

Sa may labasan lang kami ng village bumaba, mabuti na lang din na mas nauna bumaba kanina 'yong lalaki.

Naglalakad na kami ngayon papasok ni Everest sa village.

Tahimik lang kaming dalawa. Siguro dahil na rin sa sinabi no'ng lalaki kanina roon sa jeep. Panira kasi 'yon. Hayop. Utak talangka.

Mas nauuna siyang maglakad. Nakasunod lang ako sa kan'ya.

Kahit gusto kong magsalita, wala akong maisip na topic.

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin ay tahimik lang kami. Doon lang din siya humarap sa'kin.

"Papasok na ako ah, mag-re-review pa ako." Paalam niya.

"Sige. Salamat sa pagsama sa'kin ngayon." Sagot ko.

Nanatili lang akong nakatayo roon sa tapat ng gate nila noong pumasok na siya at sinara 'yon.

Tatalikod na sana ako para pumasok na rin sa bahay namin nang bumukas ulit ang gate nila at sumilip siya roon.

"Gusto mong pumasok muna? Wala pa si Mommy." Tanong niya.

Doon ako tuluyang napangiti. "Gusto." Sagot ko.

Nailing naman siya at natatawang binuksan ang gate nila para tuluyan akong makapasok.

May sumalubong sa'min na babae. Kasambahay yata nila. Bata pa si Ate, siguro mga same age lang siya sa'min o mas matanda ng isa o dalawang taon sa'min.

Inilibot ko ang tingin. Malawak ang space dito. Mas malaki compare sa bahay ng mga Toledo.

"Dalhan mo kami ng meryenda sa gazebo." Utos niya roon sa babae.

Lumingon ako sa kan'ya. Gazebo? Sana all may pa-gazebo. Gusto ko sanang sabihin na sa taong bayan galing 'yon, pero pinigilan ko ang bibig na magsalita pa.

"Tara." Sabi niya sa'kin. Naglakad kami sa left side ng mismong bahay nila. Hindi na kami pumasok sa loob.

Sa may likod ng bahay ay nandoon ang gazebo na tinutukoy niya. Maliit lang naman 'yon tapos open space.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon