Chapter 18

367 20 3
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 18
∘₊✧──────✧₊∘



Davy:

wala na kayong pasok ngayon?

Nag-send ako ng picture ko habang nilalagyan ako ng make up ng girls. Nandito na kami ngayon sa bahay nila Kenna para maghanda para sa Halloween party.

Everest:

Oo.

Pangit.

Napailing ako habang kagat ang ibabang labi nang mabasa ang reply niya roon sa photo na sinend ko.

"Huwag kang magulo!" Mahina akong sinabunutan ni Ria kaya sinamaan ko siya ng tingin doon sa salamin. Nakatingin din siya sa'kin ng masama. "Parehas talaga kayo ni Arrow!" Mahinang bulyaw niya sa'kin kaya natawa na lang ako.

"Narinig ko na naman pangalan ko!" Si Arrow na nasa tabi ko, nilalagyan na rin siya ng fake blood ni Maeve.

"Tsk! Magsama kayo. Mga bading." Sabi ni Ria na gigil na gigil pa ang pagpahid sa'kin no'ng fake blood sa mukha ko kaya napadaing ako.

"Proud to be bading." Sagot ko. Inirapan niya ako, tinulak pa niya ang mukha ko na mas ikinalakas ng tawa ko.

Nang matapos naming mag-ayos ay agad na kaming pumunta sa NLU. Pagpasok pa lang namin sa gate ay parang nasa amin na 'yong atensyon ng lahat, paano ba naman ang ingay na naman namin.

"Paniguradong maghahasik na naman ng lagim 'tong dalawang 'to." Akusa agad ni Andrei sa amin ni Arrow.

Agad ko siyang binatukan, "Bagong buhay na ako." Sagot ko. Nagsingiwian naman ang girls. Naiiling naman si Rowan habang si Arrow ay parang nasa ibang universe ang utak. Inangyan.

Inilabas ko ang phone ko, hindi ko nga pala na-replyan kanina si Everest dahil sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko.

Davy:

nsa univ na kami

<>

I took a selfie and send it to him.

Everest:

Good luck sa performance niyo.

<>

I bit my lower lip.

Napaangat ang ulo ko nang tumikhim sa tabi ko si Cali. Taas ang kilay niya at may ngisi sa labi.

"Ano?" Tanong ko.

"Kapag nalaman ni Ria 'yan panigurado mas maiinis 'yan sa'yo." She laughed. Narinig pa yata ni Ria 'yong sinabi niya dahil tumingin siya sa'min.

"E, di mainis siya." Tawa ko.

"Kayo na ba?" Pag-usisa pa niya, naglalakad na kami ngayon papunta sa field dahil doon gaganapin 'yong party.

"Parang tanga. Narinig mo naman na magkaibigan lang daw kami." Sagot ko. Malakas siyang tumawa, hinampas pa niya ako kaya napalayo ako sa kan'ya. "Sayang-saya, ah?" Sarkastikong sabi ko na mas lalo lang niyang ikinatawa.

"Bagay pala sa'yo 'yong libro ni Sara Duterte, Isang Kaibigan." She laughed even more kaya hindi ko alam kung maiinis ako sa kan'ya, o matatawa rin dahil parang mauubusan na siya ng hininga.

"Mamaya video mo ako para naman may ambag ka sa love life ko!" Natatawang sabi ko sa kan'ya. She rolled her eyes at lumapit na sa mga girls.

Davy:

salamat! gaganahan na ako niyan dahil may good luck galing sa'yo

<>

Lumapit ako sa girls. Kay Cali ako tumabi at inabot sa kan'ya 'yong phone ko.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon