Chapter 25

283 11 0
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 25
∘₊✧──────✧₊∘

"Kailan pa?" Tanong ni Andrei. Nakaupo kami sa bench habang nakatingin kay Everest na kumakanta. Marami ring kagaya namin ay nakikinig at naghuhulog ng donation doon sa donation box.

"Anong kailan pa?" Tanong ko, natatawa. Para kasing tanga, hindi pa yata kumakalma 'yong gulat niya.

"Kailan pa kayo naging close at nauwi sa ligawan?" Tanong niya ulit. Natawa ulit ako kaya sinapak niya ako sa braso. "Tang ina. Bading." Sabi pa niya.

"Noong battle of the bands, kinukulit ko na siya no'n." Sagot ko. Binatukan niya pa ako kaya gumanti ako. "Tang ina, namimihasa ka na."

"Kunwari ka pang naiinis sa kan'ya dahil mayabang, type mo lang pala landiin." Sabi niya dahilan para batukan ko siya ulit.

"Tanga, hindi lang basta landi 'to. Seryoso ako sa kan'ya!" Bulyaw ko. Baka kasi isipin niyang laro-laro lang ulit 'to.

"Tsk. Baka siya rin dahilan kaya pabalik-balik ka noon sa South at hindi roon sa babaeng kinikilala mo." Sabi pa niya.

"Siguro." Sagot ko, nagkibit-balikat pa ako dahilan para ilingan niya ako kaya natawa ulit ako.

Ibinalik ko na lang ang atensyon kay Everest. Kinakanta na niya ngayon ang Sariling Mundo by TJ Monterde.

"Do'n na muna tayo sa sarili nating mundo. Kung sa'n 'di magulo pag-ibig ang nagpapatakbo. Tayo ay lilipad lahat matutupad. Do'n na muna tayo sa sarili nating mundo. At uulit-ulitin paborito nating tugtugin. Walang sawang aawitin dito ka lang sa aking tabi ooh."

Sabay kaming mapangiti nang magtama ang mata namin. Hindi ko na pinansin si Andrei na kinakausap yata ako, nakatingin lang ako diretyo kay Everest na ganoon din ang ginawa.

Parang kami na lang ang tao sa mundo, sa sarili naming mundo.

Nabaling lang ang tingin ko kay Andrei nang batukan niya ako.

"Tang ina, ano na naman?!" Agad akong gumanti. Gaganti pa sana, pero agad akong umiwas.

"Gago ka, parang ang lakas talaga ng tama mo sa kan'ya." Sagot niya. Tumingin din siya kay Everest. Iba na ang kinakanta niya ngayon, may nag-request yata.

"Ang gwapo nga rin naman kasi niya, maganda rin. Maamo ang mukha." Sabi pa niya, tumango-tango pa nga siya habang hawak ang baba at nakatingin pa rin kay Everest. Gusto ko tuloy harangin dahil kung makatitig naman!

Kumunot ang noo ko nang bumaling ang tingin niya sa'kin, tinignan pa niya ako ng taas-baba.

"Nagtataka lang ako kung bakit ka niya pinayagang manligaw-" agad ko siyang sinipa. Ang lakas pa ng tawa niya dahil doon.

Ilang sandali pa ay iniwan ko na roon sa bench si Andrei, lumapit ako kay Everest.

"Pahinga ka muna? Kanina ka pa kumakanta," Marahang sabi ko. Inabutan ko rin siya no'ng bottled water na binili ko kanina.

Tumango siya at kinuha iyong tubig at uminom doon. Kinuha ko naman sa kan'ya iyong gitara sa kan'ya nang matapos siyang uminom.

"Ako na muna kakanta." Sabi ko.

"Okay." Sagot niya. Kinuha niya iyong donation box sa lapag. Tumayo siya roon sa tabi ko.

"Anong gusto mong kantahin ko?" Tanong ko sa kan'ya.

"Nag-isip naman siya saglit, hanggang sa ngumiti siya at excited na tumingin sa'kin, "Alam mo na ba 'yong Moving Closer ni Felip?" Tanong niya.

Tumango ako, "Oo, inaral ko lahat ng nasa playlist mo at iyong mga request mo na wala roon." Sagot ko.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon