Chapter 8

386 21 0
                                    

∘₊✧──────✧₊
Chapter 8:
∘₊✧──────✧₊∘

Malapit na ang midterms kaya nasa library kami to review.

I focus myself reading my notes, pero minsan ay napapatingin ako sa phone ko. Nag-message kasi ako kanina kay Everest na sabay ulit kami ngayon mag-lunch.

Everest:

Ako na lang pupunta diyan sa North. Magkikita rin kami nila Archer, e

<>

"Hayaan niyo na 'yan. Malaki na siya."

Napaangat ako ng ulo sa mga kaibigan ko nang magsalita si Andrei. Nakatayo si Arrow. Hindi ko alam kung saan pupunta dahil umalis din siya ng library kaya pinagpatuloy na lang ulit namin ang pagre-review. Hinayaan na namin kung ano ang trip niya.

Nang lunch break na nga ay nagkita kami ni Everest sa labas ng university.

"Sa cafe na lang daw tayo. Okay lang ba na kasama mga kaibigan ko?" Tanong niya.

Agad akong tumango, "Okay lang."

Pero gago. Hindi! Nandito si Archer na gusto niya raw! Tang ina. Nandito rin si Isla na kinababaliwan ni Arrow. Nilabas ko tuloy ang phone ko and took a photo of Archer and Isla na magkatabi at sinend sa kan'ya para asarin.

May iba pa silang kaibigan. Si Cairo at Ailee. Mula noong engagement party ni Arrow at Bliss, lagi ko na rin nakikita ang circle ni Archer.

Nang umupo kami sa table nila ay tumingin din sa'kin si Archer na kunot ang noo. Ngumisi lang ako sa kan'ya na mas ikinakunot ng noo niya. Hindi ko alam kung paano nakakaya ni Arrow 'to, e.

Si Ailee at Isla ay nakangisi sila kay Everest na tahimik lang. Parang nag-uusap silang tatlo sa tinginan lang.

"Hi, Davy nga pala. Bff din ako nitong si Everest." Pakilala ko sa sarili sa kanila. Para kasing wala silang balak kausapin ako. Grabe naman.

Tumawa si Ailee, nakipagkamay pa sa'kin. Tumango lang naman sa'kin si Isla at Archer. Si Cairo naman ay tipid lang na ngumiti, nahihiya yata. Cute, para siyang bata dahil sa height niya.

"Bff pala kayo? Premium ba?" Sabi ni Ailee kaya natawa ako, premium pa nga. "Nice to finally meet you, red haired guy." Patuloy niya at tumawa ulit.

Nakita ko pa ang pag-irap ni Everest sa sinabi ng kaibigan.

"Red haired guy?" Natatawang tanong ko.

Sasagot na sana si Ailee nang magsalita na si Everest.

"Sikat ka kasi sa section namin noon na parang panabong na manok dahil sa kulay red mong buhok." Sagot niya dahilan para matawa lalo si Ailee. Nagpipigil naman ng tawa si Isla at Archer.

Kumunot ang noo ko. Tang ina? Feeling ko nga Ang cool ko noon dahil sa pulang buhok ko? Anak ng tokwa.

"Walking floor wax." Sabi pa ni Isla kaya mas lumakas ang tawa ni Ailee. Kulang na lang gumulong na siya sa sahig dahil sa pagtawa niya.

"Pero don't worry naman, Davy, crush na crush ka naman nitong aports namin noon." Si Ailee nang mahimasmasan.

"Kumain na nga lang kayo, inungkat na naman ang past." Pag-awat ni Everest. Napailing na lang ako nang makita ang pamumula ng mukha niya.

Totoo talaga na gusto niya ako noon? Napailing na lang ako at napakagat sa ibabang labi para pigilan ang pagngiti. Pero nang dumapo ang tingin ko kay Archer na kunot pa rin ang noong nakatingin sa'kin ay napatikhim ako at tinikom ang bibig. Para namang papatay si bro. Awit.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon