Chapter 19

364 23 1
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 19:
∘₊✧──────✧₊∘

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko.

Nang imulat ko ang mata ay nagtaka pa ako dahil wala ako sa kwarto ko, roon ko lang naalala na rito pala ako kila Everest natulog kagabi.

Nang umupo ako ay wala na si Everest sa tabi ko. Naririnig ko ang pagbagsak ng tubig galing sa banyo. Naliligo na yata.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng C.R. Iniluwa no'n ang katatapos lang maligo na si Everest.

Plain black na t-shirt lang ang suot at white na shorts. Pinupunasan niya ang tumutulong tubig sa buhok.

"Good morning!" Bati ko.

Hindi niya yata napansin na gising na ako dahil halatang nagulat siya sa biglang pagbati ko.

"G—good morning." Sagot niya, umiwas pa ng tingin. "Mamaya darating na si Mommy, baka maabutan ka niya rito." Patuloy niya.

Napasimangot ako, ayaw ko pa nga sanang bumangon, e.

"Paalala ko lang 'yong lakad natin mamaya, ah." Sabi ko saka tumayo. Inayos ko pa iyong higaan bago ako humarap ulit sa kan'ya.

"Oo. Sasamahan ko pa mamaya si Archer sa puntod ng Mama niya." Sagot niya. Tumango na lang ako saka sabay kaming bumaba sa bahay nila.

Nang pumasok ako sa bahay ay nasa kusina sila Mommy. Kumakain na sila ng agahan.

"Davy," tawag ni Ate. Lumapit ako sa kanila. "Saan ka natulog kagabi?" Tanong niya.

"Sa kaibigan ko." Sagot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay

"Kaibigan? Sinong kaibigan?" Si Mommy.

"Kumain ka na. Sumabay ka na sa'min." Si Daddy. Umupo ako sa tabi ni Ate Hailey na may pagdududa sa mukha.

"Everest." Tipid na sagot ko sa tanong ni Mommy kanina.

Tinignan ko ang reaksyon niya, kunot ang noo. Tumahimik bigla si Ate at umayos ng upo. Nakita ko naman ang paghawak ni Daddy sa kamay ni Mommy na nakapatong sa lamesa.

Bumuntong hininga si Mommy, "Diyan sa kabila? Nandito na nga lang tayo sa tapat hindi ka pa umuwi?" My Mom said, her forehead knit together.

"Nakatulog na ako roon, e. Paano pa ako makakauwi?" Sagot ko. Siniko ako ni Ate kaya napatingin ako sa kan'ya. Sinenyasan niya ako gamit ang mata na huwag na lang sumagot.

"That's fine. Kumain na tayo." Pag-iiba ni Daddy sa usapan.

"Iwasan mo ang pamilya na 'yan, Davy." Banta pa ulit ni Mommy.

Hindi na lang ako sumagot. Kumain na lang ako ng tahimik.

"Uuwi ako mamaya sa bahay." I mentioned. Tinutukoy ko sa bahay ni Mamer.

"Kailan ka ulit uuwi rito?" Tanong ni Daddy.

"Hindi ko alam... po." Sagot ko.

Ibinaba ni Mommy ang hawak na kutsara't tumingin sa'kin.

"Uuwi ka ba roon para magawa mo ang mga gusto mo? Davy, kapag sinabi kong umiwas ka sa pamilya ng Everest na 'yan ay sundin mo." My Mom said with authority.

Ibinaba ko rin ang hawak na kutsara't tinidor at sumandal sa upuan at diretyong tumingin sa kan'ya.

"Anong rason?" Tanong ko. Kita ko sa gilid ng mata ko ang nag-aalalang tingin ni Ate. Parang gusto niyang pumagitna sa amin ni Mommy.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon