Chapter 11

354 22 1
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 11:
∘₊✧──────✧₊∘

Nang dumating ang exam week ay sa umaga na lang kami nagkikita ni Everest. Tapos kapag lunch break ay magkausap din kami sa text.

Ngayon na ang last day ng exam kaya medyo nawala na ang sakit ng ulo ko. Minsan napapaisip na lang ako kung bakit 'tong course na 'to ang pinili ko.

After exam, sabay-sabay kaming magkakaibigan papunta sa bahay nila Kenna. Baka roon na rin kami matutulog dahil paniguradong malalasing kami.

Dumaan pa muna kami sa bahay nila Andrei para makapagpaalam siya. Strict kasi Daddy nito, e. Pero pumapayag naman kapag kami ang nagpaalam sa kan'ya. Minsan nga nahihiya na si Andrei dahil mas malala pa raw pagiging strict ng parents niya sa kan'ya compare sa mga babae naming mga kaibigan.

Habang nasa daan kami papunta kayla Kenna ay inaasar namin si Arrow. Nabuko pa ng girls ang sikreto naming apat. Oo na, kasalanan ko kaya natimbog ng girls kaya ayan siya na naman ang nabunot sa asaran.

Mabuti na lang talaga at sanay na kami sa ugali ng isa't isa. Kung siguro bago lang ako sa circle na 'to, matagal na kaming nagsuntukan dahil sa mga tabas ng dila namin. Bawal sa circle namin ang maikli ang pasensya, o kaya 'yong madali mapikon.

Pagkarating namin sa bahay nila Kenna ay hindi na ako pinapansin ni Arrow, pero imbes na seryosohin 'yon ay inaasar ko pa.

Marami na ang tao rito sa labas ng bahay nila Kenna. Taga ibang university ang iba, may mga ilan akong kilala sa kanila. Mga iba naging kalandian ko rin.

Sinabi nga ni Andrei na mabuti nang nalaman na ng girls na hindi naman talaga boyfriend ni Arrow si Archer para makaporma na ulit sa mga chix na nandito sa party.

"Balita ko may pinopormahan ka na taga ibang university?" Pagsali ni Rowan sa usapan namin.

"Wala. Magkaibigan lang kami no'n." Sagot ni gago. Sus. Ang sabihin niya, may ibang naiisip kaya hindi makaporma doon. Mga galawan niya.

Gan'yan na gan'yan ako noon.

Biniro ko nga na ibigay na lang sa'kin 'yong number no'ng babae at ako na ang kakausap, binatukan ba naman ako.

Dumeretyo kami sa may pool area, nandoon ang mga alak. May mga nag-iinuman na nga rin doon. Malakas din ang music sa speaker.

"Pre, ganda no'n oh. Sa'kin na sana, pero kung gusto ko sa'yo na lang." Lumapit ako kay Arrow na parang walang gana kahit na nakakaindak naman 'yong music.

Tinuro ko sa kan'ya si Lea. 'Yong nakilala ko noon sa resto. Nandito rin siya. Kumaway pa siya no'ng makita ako kaya ngumiti ako sa kan'ya.

Napatingin ulit ako kay Arrow na matamlay pa rin. Awit. Nadale na yata siya no'ng kuya ng magiging asawa niya sana. Tinanggihan ba naman ang chix. Hindi na siya ang Arrow na kilala ko.

"Ikaw, Drei? Ayaw mo rin?' Baling ko kay Andrei na nasa tabi ko.

Tumanggi rin si tanga. Wala na talaga, hindi na sila ang tropa na nakilala ko. Tumatanggi na sa chix. Mukhang pati si Andrei ay may pinopormahan na.

Napatingin lang kami kay Rowan na katabi ni Arrow nang magsalita siya at tinuro ang entrance papuntang pool area.

Nagtama agad ang mata namin ni Everest. Ngumiti ako sa kan'ya. Sinalubong sila ni Kenna kaya umiwas ng tingin si Everest sa'kin.

Naglakad sila papunta rito sa pool area.

Nakasuot siya ng black printer t-shirt, black shorts at naka Birkenstock slippers pa yata. Awit.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon