Chapter 21

420 19 5
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 21:
∘₊✧──────✧₊∘


Tumigil ako sa paghila sa kan'ya nang makarating kami sa view deck. Nag-aagaw dilim na. Kulay kahel na rin ang langit kaya marami ang gaya namin ay nakatambay na sa mismong view deck, kumukuha ng litrato.

Tinignan ko si Everest na tahimik lang sa tabi ko. Kumunot ang noo ko nang hindi sa magandang view ang tingin niya. Doon ko lang na-realize na nakahawak pa rin ang kamay ko sa kan'ya at doon siya nakatingin.

Dahan-dahan kong binatawan ang kamay niya, roon lang siya nag-angat ng tingin sa'kin. Tumatama ang palubog nang araw sa mukha niya. Para na tuloy siyang nagliliwanag sa paningin ko.

"Bakit mo binitawan?" Mahinang sabi niya, natigilan pa ako. Para akong nabingi, o baka nabingi lang ako at mali ang pagkakarinig? Baka delulu lang ako?

"Ha?" Lutang kong sambit. Tangina. Dapat linawin niya mga sasabihin niya dahil baka pinapaasa lang ako ng tainga ko.

"Bakit kako rito mo ako dinala?" Tanong niya, humarap na ulit doon sa view sa harap namin.

Ang peaceful lang ng paligid, pero 'yong tibok ng puso ko nagwawala na. Parang may giyerang nagaganap.

Kumunot ang noo ko at humarap sa kan'ya, "Iniiba mo 'yong usapan, e. Hindi 'yan 'yong narinig kong sinabi mo."

He rolled his eyes, "Bakit mo pa pinapaulit kung narinig mo naman pala?" Humarap din siya sa'kin, hindi nagpatalo at nakipagtitigan sa'kin.

"Kung matapang ka, ulitin mo." Namamaos na sabi ko.

Ngumisi siya, pero umiwas ng tingin. "Ayaw ko." Sabi niya at naglakad na paalis sa mismong deck kaya sumunod ako na nakanguso. Nang-aasar pa ang isang 'to.

Bigyan niya lang talaga ako ng sign na gusto niya rin ako, aamin ako ngayon din mismo.

Pumunta siya roon sa Lavender Cafe and Bistro. Malapit lang sa kung saan nagtatayo ng tent ang mga bumisita rito sa EL Viewpoint.

Gutom na siguro siya kaya siya pumunta rito. Baka hindi sapat 'yong kinain namin sa cafe sa baba kanina.

Sinundan ko lang siya nang pumasok siya sa loob. Open area ang Cafe, para siyang kubo. Kapag umaga ka nandito, malamang sa malamang ay kitang-kita mo pa rin mula rito sa loob ng cafe ang magandang view.

"Everest? Gagi, bakit ka nandito? Sino kasama mo?" Kumunot ang noo ko nang sabihin iyon no'ng lalaki na nasa counter.

Tinaasan ko ng kilay iyong lalaki nang mapatingin siya sa'kin, tinanguhan niya lang naman ako at nakangiting binaling ulit ang tingin kay Everest.

"Bawal ba akong nandito? Pa-order nga ako ng—"

"Iyong usual? Italian salad and lemonade?" Nakangiting sabi noong lalaki, tinuro pa niya si Everest na parang sure siya na iyon ang order no'ng huli.

Umirap ako. Sino ba kasi 'yan? Epal.

"Ah... oo, iyon nga." Sagot ni Everest. Lumingon siya sa'kin, pero umiwas ako ng tingin at umikot ang mata.

"Iyong kasama mo, anong order niya?" Narinig kong tanong ulit noong lalaki.

"Anong order mo?" Si Everest. Hindi ko siya nilingon.

"Kahit ano." Tipid na sagot ko. Kahit naman anong pagkain kaya kong lunukin, pero 'yong selos ang hindi.

Nasaan muna 'yong karapatan?

Tsk.

"Isang order na lang ng chicken wings at tuna sandwich. Tapos sa drinks ay lemonade na lang din." Narinig kong sabi ni Everest doon sa lalaki.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon