Chapter 6

445 26 0
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 6:
∘₊✧──────✧₊∘

Kinabukasan, after ng class ko ay tumambay muna kami sa music room. Nagsusulat kami ngayon ni Rowan ng bago naming kanta. Ewan ko ba rito, panay compose kami, pero puro covers lang din naman kinakanta namin kapag may performance kami rito sa university.

"Tignan mo si tanga," Sabi ko kay Rowan at tinuro si Arrow nang padabog siyang umupo sa couch at tumulala. Napailing na lang ako na medyo natatawa.

"May napapansin talaga ako riyan, may nasabi ba sa'yo?" Tanong niya na hindi tumingin sa'kin. Busy siyang buuin ang lyrics.

"Magsasabi naman 'yan kung handa na siya, kilala mo naman 'yan. Hindi aamin 'yan hangga't hindi sigurado." Sagot ko. Hindi na ulit siya nagsalita, tumingin lang siya saglit kay Arrow bago ibalik sa ginagawa ang atensyon. I strum the guitar, siya naman ay sinubukan niyang kantahin ang lyrics.

Napatingin pa kami kay Arrow nang punahin niya 'yon. "Corny naman niyan."

Natamaan lang yata si tanga, e. Nang sabihin ko nga 'yon ay masyadong defensive. Kahit siguro hindi niya sabihin, napakahalata sa kilos niya. Tsk. Hindi na ako magtataka kung pati si Andrei at ng girls ay nahahalata na rin siya. Ayaw pa kasing aminin sa sarili.

Hindi ulit siya nagsalita dahil hawak na niya ang phone niya. May kausap. Kunot na kunot pa ang noo ni tanga.

Tumayo ako. Pumunta ako sa likod niya para tignan kung sino ang kausap at parang makakapatay na siya sa sama ng tingin niya sa phone niya at kulang na lang ay mabutas na 'yong kawawang cellphone dahil sa rahas ng pagpindot niya. Ang OA talaga nito.

Malakas akong tumawa nang mabasa ang reply ni Archer sa kan'ya, kaya naman pala gan'yan ang itsura, si bayaw pala ang kausap.

"He's really my type, Row. Kapag ayaw mo sa kan'ya, akin na-"

Agad niya akong binatukan. Nang hindi pa makontento ay sinakal pa ako ni tanga.

Tang ina. Deny nang deny sa nararamdaman, masyado naman makabakod sa bayaw niya.

Ilang sandali pa ay nagsialisan na sila. Naiwan ako sa music room dahil may mga pasok pa sila tapos ako ay wala na, dahil wala akong magawa ay nilabas ko ang phone ko to message Everest. Wala naman siguro siyang pasok ngayon?

Davy:

may pasok ka?

Everest:

Wala, bakit?

<>

Tumayo ako saka lumabas ng music room na nakangiti nang mabasa ang reply niya. Pupuntahan ko na lang siya bago umuwi sa bahay.

Binalik ko na kay Arrow ang kotse niya kanina kaya sumakay lang ako ng jeep papuntang South ngayon. Sana naman hindi traffic para makarating ako agad sa kan'ya.

Davy:

pupunta ako ngayon diyan

wala naman na aqng pasok ngayon. patambay aq, wala aqng kasama. kawawa naman aq :((

Everest:

Saan? Dito sa SLU? Huwag na, aalis na ako

Davy:

ha? nakasakay na aq sa jeep! hintayin mo na lang aq, plss? :((

I bit my lower lip when he replied 'okay'. Magre-reply pa sana ako sa kan'ya, pero nawala na ng battery 'yong phone ko, awit naman. Gaya ng inaasahan ko, traffic pa nga ngayon, Friday nga pala.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon