Chapter 16

440 15 3
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 16
∘₊✧──────✧₊∘





"Finally, you're here!"

Umikot ang mata ko nang iyon ang bungad ni ate Hailey pagkarating ko sa bahay. Nandito sila ni Manang Lita sa garden.

Naayos na nila ang surprise kay Mommy at Daddy. May inilatag silang picnic blanket, may picnic basket din sa tabi at may wine. May mga nilagay din silang lights sa paligid para magmukhang romantic. May ginawa pa sila na 'happy anniversary' gamit ang bulaklak.

Nandito na rin sa labas 'yong gitara ko.

Natatawa na lang ako kay Ate dahil parang natataranta pa. Awit.

Sabay-sabay kaming napatingin sa labas nang may bumusina na roon. Agad na tumakbo si Manang Lita sa gate para buksan 'yon, for sure sila Mommy na 'yon.

Napatingin ako kay ate nang hampasin siya ako sa braso.

"Kapag pumasok sila rito, kumanta ka na." Utos niya. Napairap ulit ako. Kinuha ko 'yong gitara, doon ko lang din naramdaman ang kaba. Bakit ba ako kinakabahan? Awit na 'yan, hindi naman si Everest ang haharanain ko rito!

Nakita kong lumabas na sila Mommy sa kotse. Tumikhim ako, ilang beses na napalunok. Nang tignan ko si Ate ay sinenyasan pa niya ako na umayos ako.

Nang maglakad sila palapit sa'min ay nakita ko ang ngiti sa labi ni Mommy. Pati si Daddy ay nakangiti rin.

"Davy!" Sigaw na bulong ni Ate kaya natauhan ako. Sinenyasan niya ako na kumanta na kaya inayos ko 'yong gitara.

Habang kumakanta ako ay ramdam ko 'yong tingin ni Daddy sa'kin.

"Let's dance!" Si Mommy.

Tumingin ako sa kanila. Nakangiti sila sa isa't isa habang sumasayaw habang kinakanta ko ang wedding song nila.

They look so in love.

Kung hindi ko lang narinig ang sikreto ni Mommy kay Dad, iisipin ko na ang perfect ng pagmamahalan nila. Siguro, iisipin ko rin na ang perfect din ng pamilya namin.

"Happy anniversary, Mom, Dad." Sabi ni Ate pagkatapos. Ibinaba ko ang gitara at nakatingin lang sa kanilang tatlo.

"Davy," tawag ni Mommy sa'kin. Lumapit ako sa kanila at tumayo sa tabi ni Ate. Hindi ako nagsalita.

"Thank you, Son. This mean a lot." Napatingin ako kay Daddy nang sabihin niya 'yon. Nakangiti siya habang nakatingin sa'kin.

Tumango lang ako sa kan'ya saka umiwas ng tingin.

Nagpaalam na kami ni Ate sa kanila. Hinayaan na muna namin sila roon na ipagpatuloy ang date nila.

"Hindi mo man lang sila binati." Sabi ni ate sa'kin nang makapasok kami sa bahay. Nakaupo na kami ngayon sa living room.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa sahig.

"Talk to Dad, Davy. Kahit hindi niya sinasabi, alam kong nasasaktan din siya sa pakikitungo mo sa kan'ya. You know how much he loves you." Patuloy niya. Naramdaman kong tumayo siya, pero hindi pa rin ako gumalaw sa kinauupuan.

"Matutulog na ako." Paalam niya. Tumango lang ako. Sumandal na lang ako sa sofa at pinikit ang mata.

"Are you tired?" Agad akong nagmulat nang marinig ang boses ni Daddy. Lumabas siya sa kusina, sa likod yata siya galing. Tapos na ba date nila?

"Hindi naman po." Sagot ko. Napahawak pa ako sa batok dahil may gusto akong sabihin, pero hindi ko alam kung paano.

Umiwas na lang ako ng tingin at hindi naman na siya nagsalita pa.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon