Chapter 5

415 23 0
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 5:
∘₊✧──────✧₊∘

"Ngayon ka lang umuwi diyan sa inyo?" Tanong ni Everest. Nakabili na kami ng beer at chips.

Ibang klase rin pala talaga rito sa village. May sariling convenience store. Sino nga naman kasi magtatayo ng sari-sari store dito. Puro bigatin nakatira.

Naglalakad na kami pabalik.

"Ah, oo." Sagot ko.

"Nag-co-condo ka?"

"Hindi. Nakatira ako sa Tita ko." Nakangiting sagot ko. Nang makita 'yon ay agad siyang umirap. "Interested ka na ulit sa'kin —"

"Kapal naman ng kalyo mo sa mukha." He cut my words. Agad akong natawa dahil sa sinabi niya. Tang inang tabas ng dila naman 'yan.

Umupo kami sa tapat ng bahay nila, sa tabi ng street light. Inilabas ko na rin 'yong beer na binili namin kanina.

Inabot ko sa kan'ya 'yong isa, "Huwag na. Hindi ako umiinom." Tanggi niya. Tumango ako, iyong yogurt na lang ang binigay ko sa kan'ya saka ko binuksan iyong beer at sumimsim doon.

"Galing ka kanina sa gig?" Bukas ko ng topic. Pinaglalaruan niya iyong yogurt sa kamay niya. Halatang hindi siya komportable na kasama ako?

"Oo," tipid na sagot niya.

Tumango ako.

"Pasok ka na kung hindi ka komportable, okay na ako rito. Salamat sa pagsama sa'kin kanina." Sabi ko, nang lumingon siya sa'kin ay tipid akong ngumiti.

"Pala desisyon ka talaga, 'no?" Tanong niya na kunot ang noo. Umiwas na lang ako ng tingin at marahang natawa.

"Halata naman kasing ayaw mo akong kasama." Sagot ko. Kahit sino naman maiilang kapag kasama mo 'yong taong pinag-aminan mo ng feelings mo, kahit pa sabihin niyang matagal na 'yon at naka-move on na siya.

"Buti alam mo." Mabilis pa sa kidlat na sagot niya.

"Sakit mo, ah."

Tumawa pa nga. Parang hindi nakakasakit sa damdamin na ipamukha niya na ayaw niya sa'kin, ah.

"Sabi mo nakatira ka sa Tita mo?" Pagkatapos niya akong pagtawanan ay nagtanong siya.

Tumingin ulit ako sa kan'ya. Yakap na niya ngayon ang dalawang paa niya, nakasandal sa tuhod niya 'yong chin niya habang iniinom iyong yogurt, parang bata talaga.

"Oo. Noong bata pa ako." Sagot ko. "Mas close ako kay Tita, e. Mama na nga rin tawag ko sa kan'ya. Mabait 'yon, gusto mo pakilala kita?" Pag-kwento ko. Binuksan ko 'yong chips at tinapat sa kan'ya, baka gusto niya lang naman.

Napangiti ako nang kumuha siya roon.

"Kilala ko si Teacher Mary." Sagot niya. Oo nga pala, teacher si Mamer noon sa Lavender High kaya siguro kilala niya. "Siya pinaka kinakatakutan namin noong high school." Patuloy niya kaya natawa ako.

"Actually, strict nga talaga si Mamer. Gano'n siguro talaga kapag matandang dalaga." Sagot ko na natatawa pa rin.

Inangat naman niya ang ulo at lumingon sa'kin, "Siraulo ka." Sagot niya. "Favorite teacher ko si teacher Mer!" Sabi pa niya kaya mas lalo akong natawa.

Malay ko ba kasi. "Talaga? Nako, matutuwa 'yon kapag nalaman niyang favorite mo siyang teacher."

Binalik niya ulit ang pagyakap sa dalawang paa niya at pinatong niya ulit ang baba sa tuhod niya.

Tumatama ang iilang hibla ng medyo mahaba niyang buhok siya noo niya. Kahit sa side profile niya ang ganda niya pa rin. Grabe namang mukha 'yan, mas maganda pa siya sa babae.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon