Chapter 12

330 24 2
                                    

∘₊✧──────✧₊∘
Chapter 12:
∘₊✧──────✧₊∘




"She's not my girlfriend!" Sinundan ko siya nang pumasok siya sa bahay nila Kenna para hanapin ang comfort room.

"Gago ka, bakit mo naman dine-deny ang girlfriend mo? Siya rin 'yong kasama mo no'n, eh." Sabi pa niya kaya napapikit na lang ako.

"Hindi ko nga girlfriend, Everest."

Tumigil siya nang nasa tapat na kami ng comfort room. He raised his brows and crossed his arms.

"Ah... kalandian lang? Iyon nga pala ang image niyo ng tropa mong si Arrow." Tumango-tango siya. "Oo na, naniniwala na ako." Sabi niya.

Gusto ko pa sanang magpaliwanag, pero pumasok na siya sa CR.

Nang matapos siya ay bumalik na ulit kami sa pool area. May mga lumapit pa sa'kin na mga babae kaya mas naunang pumunta si Everest sa mga kaibigan niya.

Hindi ko naman malapitan dahil inabutan ako ng alak no'ng mga kakilala ko.

Nakita ko siyang nakausap si Archer.

Inilabas ko ang phone ko to message him, pero hindi siya nagre-reply. Dahil sa frustration ko ay hindi ko na namamalayan na ang dami ko nang nainom.

Davy:

uNaNg☝💪 aRaW🌄🌅 pAlAnG mInaHaL❤💙💚💛💜 nA kItAaAaa👊💙🤔👍😠 AH bAk8❔❓❕❗ bA gAni2 aNg aK8Ng naDaMa😍😡⛅ dI mAn kIta lUbUsAn🌻🌼🌸🌹🌷 pAnG kILalAaA🙄😪😫 eH aNo😉☺😊 nAmAaAN bAstA mAhAl💖💗💝💘 kItA👆☝👇👈👉👊 aAAaAh🤗😇🤔👼🙈🙉

Everest:

Tang ina. Ano 'yan?

Davy:

ang puso ko'y 🫀 nagdurugo 🩸 at parang sumisikip 😩 ang dibdib ko 🫁 sa tuwing nakikita ko 👀🫣 na magkatabi kayo 👥😥 kahit 'di ❌ naman tayong dalawa 🫂 ay lagi na lang pinagseselosan siya 😣🫵 bakit ba siya 😠🫵 at bakit 'di na lang ako 🥺🙁

Everest:

Sinasabi mo?

Tang inang 'yan

Lasing ka ba?

Davy:

hndi aq lacng

nalu2mbay lng dhil hndi mu aq pinapancn💔💔💔💔

jan k na sa Archer mo!

magsama kau!

Everest:

Lasing ka na

Itulog mo na 'yan

Davy:

auko. bka bukas makita q na kayong masaya ni Archer

akala mu hndi q kayo naki2ta rito?!

Kunot ang noong tumingin ako sa kinaroroonan nila at ng mga kaibigan niya. Nakatingin din siya sa'kin na kunot din ang noo.

Inirapan ko siya at nagtipa ulit sa phone.

Davy:

kapag kay Archer ang lambot ng tingin mo

tapos kapag sa'kin ang sama?!

Everest:

Tumayo ka riyan

Ihahatid na kita. Kung ano-ano na sinasabi mo.

Inangat ko ang tingin sa kan'ya nang mabasa ang reply niya. Tumayo siya, sumenyas pa na sumunod ako kaya agad akong tumayo.

Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon