XENNA'S POV
"Sir, may sasabihin po ako"
Nanginginig ang kamay ko na hawak ni kia. Napapalunok ako habang tinitigan sya.
Gosh ka kia, wag kang magsalita please.
Tinignan nya ako at binigyan ko sya ng-
Ililibre kita promise na tingin
Ngumiti sya bago muling humarap.
"Pwede po bang mag cr? Hahatid ko lang po si xenna sa clinic."
"Are you okay ms. Allinia?" Bakas sa boses nya ang pag aalala dahan dahan ko syang tinignan.
Bakit ms allinia kung pwede namang mrs. Austrilia
"U-hmm ma-masakit lang p-po ang ulo ko" hindi naman halatang nauutal ako hindi ba?
"Ulo daw baka puso mo" bulong ng bruha kong kaibigan.
"Okay you two can go now" pagkasabi noon ni prof ay agad kaming tumayo at lumabas.
"Get well soon ms allinia" pahabol nyang sabi.
Kung meron sana akong slaix-pirin o kaya sky-gesic o kahit austrilia-sul sige in one sec okay na ako
"Hoy gaga ka kinabahan ako sayong bweist ka" pagratrat ko sa kaibigan ko ng makalayo kami.
"Bakit?" Natatawang sabi nya pa.
"Bakit ka dyan akala ko ilalaglag mo ako"
"Tara sa hagdan ng mailaglag kita"
"Sige pilosopohin mo ako"
"Joke lang ito naman masyadong seryoso" huminto sya at nilingon ako.
"Ano kaba kahit ganto ako maasahan mo ako no" napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Pero isipin mo kung sasabihin ko kay sir uno agad ako sa subject nya ang saya diba?" Tumatawang sabi nya.
"Gaga ka ang lakas ng boses mo baka makarinig sa yo"pag saway ko at tinignan ang paligid.
"Ang ganda naman kasi ng kaibigan ko taray sa ganda nabingwit ba naman si prof. Anong beauty products ang gamit mo"
"Natural beauty"
"Ide ikaw na" tinawanan ko nalang sya.
Habang nasa clinic ay nag cr muna sya totoong masakit ang ulo ko at pinipilit kong wag ipakita yun ang kaso matalas ang paningin ng kaibigan ko at nakita nya pa ring may sakit ako.
Nag stay pa ako ng unti sa clinic bago lumabas. Nakasalubong ko si kia na may hawak na dalawang ice cream.
"Tada black forest with double dutch and one scup of vanilla ice cream" nakangiting sabi nya sabay abot ng ice cream sa akin.
"Ang ganda sa kalusugan ng gamot mo huh. thank you very much mawawala talaga sakit ng ulo ko rito" sabi ko bago simulang kainin ang ice cream at maglakad na.
"Alam mo ba sabi nila ice cream is the best medicine effective na gamot kaya yan" nakangiti pang sabi nya at kumain nanaman ng ice cream.
Nahinto ako sa paglakad ng makasalubong namin si prof slaix.
Hi baby.
"Ohh miss allinia akala ko ba masakit ulo mo?" Tinignan nya ang hawak kong ice cream at ngumiti. "Nice medicine huh sinong nurse magbigay sayo?" Natatawang tanong nya pero ito ako at nakatulala lang sa kanya.
YOU ARE READING
MY PROFESSOR IS MY EX RP BOYFRIEND
RandomNag simula ang lahat sa pag gawa ko ng tinatawag nilang RP account o role play account Pumasok sa isang laro bilang shayziex quielie Nagka boyfriend at nag break pero sinong mag aakala na magkikita kami in person? hindi bilang mag ex kundi bilang I...