CHAPTER 26

20 0 0
                                    

XENNA'S POV

"Anong nagyari dyan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. Ipinatong ko ang ang lugaw sa table.

Nakita ko ang gulat na ekspresyon nya. Gusto nyo man itago ang sugat ay wala na dahil nakita ko na. Lumapit ako sa kanya at kumuha ng puting bandage.

"Dalhin kaya kita sa hospital?" Nag aalalang tanong ko.

"No need. Natahi naman na, masyado ko lang talaga atang naigalaw kaya dumugo"

Nang mapatigil ko na ang pagdurugo ng sugat nya ay tinulungan ko syang balutan ito ng bandage. Inalalayan ko syang pumunta sa kama nya.

"Saan yung pantulog mo?"

Itinuro nya sa akin ang parte ng closet nya kung nasaan ang mga pajamas nya. Kumuha ako ng isa at binigay sa kanya.

"Kaya mo naman diba?"

Hindi naman kasi pwedeng ako magbihis sa kanya.

"Yup, thank you"

Lumabas ako ng kwarto nya at kumuha ng malaking bowl at nilagyan ng tubig. Humingi ako ng pabor sa isang maid kung pwedeng maginit ng tubig at dalhin sa kwarto ni sky, nagpakuha na rin ako ng gamot.

Nakabihis na si sky ng makarating ako. Nilapag ko ang malaking bowl sa bed side table nya. Kinuha ko lugaw na niluto ko.

"Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot"

Inalalayan ko syang maupo at naglagay ng unan sa likod nya. Ang putla ng mukha nya at halatang naghihina.

"Ahh" utos ko rito. Taka nya akong tinignan.

Sinenyas ko sa kanya ang kutsara. Kinain nya naman ang sinubo ko.

"Okay lang ba yung lasa?"

"Yup, you're good at cooking huh"

Sinubuan ko sya hanggang sa maubos nya ang lugaw. Sakto namang dumating na yung maid na pinakiusapan ko.

"Miss xenna ito na po"

Kinuha ko ang dala nya tinatya ko ang mainit na tubig na inilagay ko. Gamit ang palad pinakiramdaman ko kung tama lang ba yung init.

Pagtapos ay nilagay ko sa tray yung takore kasama noong pinagkainan ni slaix.

"Okay lang po bang pakilagay nalang sa lababo ako nalang po maglilinis"

Nakakahiya kasi hindi naman ako ang boss nila pero nautusan ko pa.

"Okay lang po, kami nalang po"

"Thank you po"

"Get well soon sir slaix" bakas sa boses nito ang pag aalala.

"Thank you po" tugon naman ni sky.

Sinawsaw ko ang panyo na nakuha ko sa closet ni sky sa malaling bowl at piniga tyaka pinunasan ang mukha nya hanggang sa mga braso nya. Piniga ko ulit ang panyo matapos isawsaw sa tubig, tinubi ko yun at nilagay sa noo nya. Tulog na sya at halatang nag babawi ng lakas.

"Alagan mo rin yung sarili mo. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang sugat mo pero sana sa susunod na may gagawin ka mag ingat ka..."

"Dahil nag aalala ako sayo"

Muli kong pinagmasdan ang mukha nya bago tumayo at lumabas ng kwarto nya.

MY PROFESSOR IS MY EX RP BOYFRIENDWhere stories live. Discover now