CHAPTER 13

53 2 0
                                    

XENNA'S POV

"Hey don't ubos the kikiam" saway sa akin ni sky dahil halos sa isang tusok ay tatlong kikiam ang kinukuha ko at isang subuan lang sila.

"You're so matakaw" tinawanan ko lang sya at kumuha. Ayon sya tumusok rin ng kikiam at lima agad, sabay sabay nya ring sinubo yun at nagmamalaking tumingin sa akin.

Isip bata.

Hinayaan ko na sya sa kikiam. yung kwek kwek naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Narinig ko ang pang ungot nya ng dalawang kwek kwek ang sabay kong kinain.

"Hey im the one who bayad all of this ako ang bumili"

Walang pinagbago apaka damot pag dating sa pagkain.

"Kung di mo inubos tinda ni manong edi sana meron din ako"

"You're the one who gave the 50 pcs of kikiam to that girl"

Hindi ko na sya pinansin at kumain nalang din. Napatingin ako sa fishball dahil hindi nya ginagalaw. Fishball talaga ang di ko kinakain pagdating sa tusok tusok.

"Bumili ka pa ng fishball di mo naman pala kakainin" sermon ko sa kanya habang kumakain ng isaw. Sinawsaw ko ito sa suka na puno ng sibuyas at hindi masyadong maanghang.

YUMMMY!!!

"I brought that for aki she really love fishball" pagkasabi ni sky ng fishball ay nakita kong nagising si aki at bumangon. Lumingon sya sa amin at nanginginig ang mata ng makita ang fishball.

"FISHBALL!!" Agad syang tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa at muntik pang madapa kakamadaling pumunta sa amin.

"Be careful my princess" nagaalalang sabi ni sky sa kapatid.

Naupo si aki sa tabi ko at kumain ng fishball .

Isang kainan sampung fishball agad.

Magkapatid nga tong dalawang to. Tahimik lang kaming kumakain ng may marinig kaming sigaw.

"TAKOYAKI!!!" Sabay sabay kaming napalingon kay tita slein. Nagmamadali syang lumapit at kumuha ng isang box ng takoyaki doon sa malaking box.

"Oh my gosh oh my gosh" tumusok sya ng isa at nakapikit na nginuya "heaven whaa" sunod sunod ang kain nya.

Nakangiting tinignan ko sila, si tita slein na kada subo ay pinupuri ang pagkain nya. Si aki na inagkin lahat ng fishball at niyakap ang lalagyan. Si sky na kain kuha ng kikiam habang lumilinga, naghahahanap ng gusto nya pang kainin sa mesa.

Maniwala man kayo sa hindi naubos namin lahat ng pagkain na binili ni sky. Busog na busog ako habang umaakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko. Hihiga na sana ako ng maalala ang bilin ni mama.

Xenna anak tumayo ka dyan wag kang matulog ng busog masama.

Napabangon ako dahil parang narinig ko sa utak ko ang boses ni mama.

Huhu inaantok na ako.

Napalingon ako sa library na nandito sa kwarto. Tumayo ako at pumunta roon, ganon na lang tuwa ko ng may makitang wattpad books. Yung manipis lang ang pinili ko.

Naupo ako sa couch at binuksan ang ilaw sa gilid tyaka sinimulang basahin ang librong hawak ko. hindi ko na naramdaman kung masakit pa rin ba ang tyan ko sa sobrang busog ulti mo oras ay di ko naramdaman. Kaya naman ng tignan ko ang oras ay nanlaki ang mata ko.

MY PROFESSOR IS MY EX RP BOYFRIENDWhere stories live. Discover now