XENNA'S POV
"Ikaw si shayziex quielie hindi ba?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Shit. Gosh, gosh kalma lang xenna kalma lang.
"Ah- HA HA HA HA ako hahah hindi no" sabi ko sabay kain ng cake at umiwas ng tingin.
"You're a good actress huh,dapat may award ka. Worst acting award"
"Drack hindi nga ako"
"Go on xenna, deny it as long as you want. Natrack ko na yung account. Alam ko kung anong cellphone ang ginamit at kanino yun, alam ko rin kung sino ang mga naka log in sa cellphone na yun."
Napalunok ako
"Sayo nakapangalan ang phone at sa phone na yun bukod sa rp account ni shayziex ay nakita ko ang account mo. Now deny it"
Natulala lang ako sa lahat ng sinabi nya.
Bakit ba kasi ang galing ni drack pag dating sa mga gadget. Shit, tama sya hindi ko na maiitatangi.
"Nakabalik na ako" napalingon kami kay kia ng maupo ito sa upuan nya. Nangunot ang noo nya ng makita ang cake nya "SINONG UMUBOS NG CAKE KO?!!!" parang dragon na tanong ni kia.
Ay, cake nya pala yung nakain ko.
"Sorry natakam kasi ako, papalitan ko nalang"
"Bakit mo kin- ohh bakit andito ka duck?"
Duck?
"It's drack"
"Duck"
"Drack nga sabi"
"Ahh duck"
"Tsk ewan ko sayo" inis na sabi ni drack at bumaling sa akin "now what? Itatangi mo pa?"
"Na ano?"
"Na sya si shayziex quielie, ang rp girlfriend ni professor slaix "
Nanlaki ang mata ni kia at tumingin sa akin binigyan nya ako ng paano-nya-nalaman na tingin. Binigyan ko naman sya alam-mo-na na tingin.
Agad na tinakpan ni kia ang bibig ni drack, nanlaki ang mata nya at pilit na nilalayo ang mukha.
"Bwesit ka! Wag kang magsasalita gigilitan kita ng leeg"
"Brutal ka talaga, bitiwan mo na nga ang bibig ko"
Ginawa ni kia ang sinabi nya pero agad rin syang sinalpakan ng puto sa bunganga nang marinig namin ang boses ni sky.
"Is there something wrong Miss allinia? Mr. santrio? Miss galieon?" Tanong nya.
"Wala po prof, iluluwa nya raw kasi yung ampalaya kasi ayaw nya, kaya tinakpan ko bibig nya" dahilan ni kia.
"But none of the dishes on your table have ampalaya as ingredients?"
"Pinakain ko na po sa kanya lahat"
"Prof—" akmang magsasalita si drack ng salpakan ulit sya ng mas malaking puto sa bibig ni kia.
"Ano you want more? Here oh, ang takaw mo pala" nakangiting sabi ni kia at binigyan si drack ng wag-kang-magkakamali na tingin.
YOU ARE READING
MY PROFESSOR IS MY EX RP BOYFRIEND
RandomNag simula ang lahat sa pag gawa ko ng tinatawag nilang RP account o role play account Pumasok sa isang laro bilang shayziex quielie Nagka boyfriend at nag break pero sinong mag aakala na magkikita kami in person? hindi bilang mag ex kundi bilang I...