CHAPTER 16

59 1 1
                                    

XENNA'S POV

"Ibig mong sabihin akala mo ako ang nakalimut sayo?" Tanong ko.

Nandito kami ngayon sa main building kung saan makikita ang dalawang hagdan na nagkokonekta sa dalawang tower. Nakaupo kami sa couch habang naguusap.

"Oum di mo kasi ako kinawayan man lang o kinausap, kakausapin man pero bilang slaix at hindi bilang ciel"

Tama, kilala namin ang isa't isa sa second name namin. Zandra at ciel

"Natakot kasi ako na baka pagkinausap kita o kinawayan isipin mo feeling close ako."

"Am I like that?"

"Hindi. Sa pagkakakilala ko sayo kahit hindi mo kilala, pag kinawayan ka kakawayan mo rin, Kahit nga yung nasa likod mo talaga yung kinawayan eh."

"Then why did you get scared?"

"Ewan ko."

"Tsk, so we're both waiting na ipakilala ang isa bilang xenna/ciel?"

"Parang ganon na nga. Nahihiya rin akong kausapin ka dahil professor kita" natawa sya sa sinabi ko at umayos ng upo.

"Then let's be like this. when we're at school we treat each other like students and professors but when we're outside let's be like this"

"Hmmm?? Deal ako" nakangiting sabi ko. Nakangiti nya naman akong tinignan bago tumayo.

"It's better for you to sleep na. It's your birthday you should look lovely tomorrow. Besides, pagpupuyat is not good" Inalalayan nya akong tumayo. May kinuha syang maliit na kahon at binigay yun sa akin.

"Ano to?"tanong ko ng kunin ito.

"My birthday present for you"

Binuksan ko ang kahon, isang silver necklace ang laman noon rosas ang pendant. kumikinang na kulay pink ang mismong bulaklak at berde naman ang dalawang dahon. Silver rin ang tangkay nito.

"Did you like it?"

"Oum... Ang ganda thank you"

Kinuha nya ang kwintas sa akin at pumunta sa likod ko para isuot ang kwintas sa akin. Matapos ay hinawakan nya ang balikat ko.

"Bagay sayo it looks so beautiful"

Tinignan ko ang paningin nya na nasa harap namin, isang salamin ang nasa harap namin. Napangiti ako dahil tama sya bumagay nga sa akin at dahil na rin sa posisyon namin.

"Ihahatid na kita sa room mo" Hinawakan nya ang kamay ko at nanguna sa paglalakad. Binitiwan nya lang ito ng makarating kami sa kwarto ko.

"Good night zandra"

"Oum... Good night ciel"

Pagkasara ko ng pinto ay nakangiti na akong umakyat sa higaan ko. Sumandal ako sa headboard at nakangiting hinawakan ang pendant ng kwintas ko, dahil sa antok ay nakatulog na ako.

•••

Slaix Ciel austrilia

Good morning zandra, I know that you understand the lesson for today, But still here's the pdf of your math lesson.

Ps. Happy birthday zandra. Pag katapos mo sagutan all your quizzes labas tayo.

Napangiti ako sa chat nya. Kaso agad din yung nawala ng maalalang wala akong load para buksan ang pdf at buksan ang link ng mga quiz.

MY PROFESSOR IS MY EX RP BOYFRIENDWhere stories live. Discover now