CHAPTER 17

37 3 0
                                    

XENNA'S POV

Natawa ako ng makita kung saan nya ako dinala.

Mukhang mas mag eenjoy pa sya sa akin dito.

Tumingala ako at binasa ang pangalan ng lugar kung nasaan kami ngayon.

Enchanted kingdom.

"Tara na, tara na" nagmamadaling sabi nya habang tinutulak ako.

Tsk tsk sya man si slaix Ciel austrilia o skylhander trilia, he's childish pa rin talaga.

Natatawa ko syang tinignan na igala ang paningin sa E.K.

"It's my first time here" nakangiting sabi nya, gulat ko naman syang tinignan. Tumingin sya sa akin at napanguso ng makita ang reaksyon ko.

"Why? When we are kids you say na wala kayong money para sa fieldtrip, i know your sad kaya di rin ako sumasama para may kalaro ka" napangiti ako sa sinabi nya.

Totoo yun. Mahal naman kasi at alam kong mas kakailanganin yun para sa bahay.

"I promise to myself na kapag nagtrabaho ako ang unang sweldo ko gagamitin ko para idala ka rito" nag angat ako ng tingin sa kanya. "kaya yung unang sweldo ko tinago ko para sa araw na to"

Sya pa rin yung batang kilala ko noon. Na kahit anong magyari gagawin nya kung anong pinangako nya.

"Let's go?"

Sinakyan namin halos lahat ng rides na makita namin pwera lang sa mababasa kami dahil wala naman kaming pamalit. Akala ko uuwi na kami pero dinala nya pa ako sa isang peryahan.

Marami kaming sinubukang laro pero yung may baril ang pinakagusto ko. Bakit? Dahil nasa likod ko sya at parang yakap na ako habang tinuturuan akong humawak ng baril.

"Deretso lang ang tingin mo focus ka sa target"

Sa huli ay natamaan namin lahat. Lahat ng bala na pinakawalan namin ay walang hindi natutumba kaya yung malaking reversible octupos ang nakuha namin. Nilagay ni kuya yun sa malaking plastic at yakap yakap ko habang naglalakad kami.

Meron pa akong nakitang archery na laro.

Well archery ang sport ko.

Mukhang pareho kami ni sky na magaling kaya panibagong stuff toy nanaman yung nakuha namin yung nakuha ko ay isang aso na kulay light brown yung kanya naman kulay puti.

Natawa kaming dalawa ng sabay naming iabot sa isa't isa ang stuff toy na nakuha namin. Binigay ko sa kanya yung kulay light brown na nakuha ko, binigay nya naman sa akin yung kanya.

Sinubukan rin namin yung nag hahagis ka ng piso doon sa may lamesa na may box box na may naka label kung anong makukuha mo.

Magkahiwalay kami ng lamesa na pinaglaruan isang neck tie na kulay itim ang nakuha ko.

Ako rin nagtaka kung bakit may ganon na premyo.

Pero mukhang gustong gusto ng mga lalaki na kasama ko sa laro dahil sa reaksyon nila ng makuha ko yun. Pag lingon ko kay slaix ay isang korean bag na brown ang kulay. Kaya ending nagpalit ulit kaming dalawa.

Sinubukan rin namin yung magtataya ka ng hanggang magkano na gusto mo sa isang no. Tapos hihintayin kong saang number mag stop yung pulang ilaw.

Inipon ni slaix yung points nya dahil may nakita syang cute na teddy bear ibibigay nya raw kay aki. Habang ako pagkain ang naipon. Hahahaha cookies, chitchirya,mga biscuit at juice, meron pa nga akong candy.

MY PROFESSOR IS MY EX RP BOYFRIENDWhere stories live. Discover now