CHAPTER 20

70 2 0
                                    

XENNA'S POV

Dumaan ang ilang linggo at back to school na ulit kami. Naiayos na nila ang mga nasira at mas pinatibay pa. Sa mga araw na yun ay Hindi naman nagbago ang pakikitungo sa akin ni sky. Hindi rin sya nagtanong kaya nakampante ako na hindi nya napansin ang kwintas ko.

"Good morning class, please pass all your answer sheets"

Shit.

Yan ang narining ko sa mga kaklase namin dahil hindi inaasahan ang sinabi ni ma'am. Kinuha ko ang mga inayos ko nang answer sheet at nilagay sa harap. Dahil unti lang kaming nagpasa ay nakatangap kami ng sermon bilang almusal.

What a great start.

Nakahinga lang kami ng maayos ng umalis na si ma'am.

"Grabe si ma'am pinasend na nga via messenger gusto pa ng hard copy. Ehh para saan yung deadline noong picture ng answer sheet?" Si kia.

"Wala props lang" sagot ni drack.

"Teka nga bakit andito ka?"

"Makikiupo lang bakit bawal?"

"Paano pag sinabi kong oo"

"Do you own this chair? Did you pay for it"

"Hindi"

"So you don't have a Rights to it"

"Pero sa aking upuan yan"

"May pangalan ka ba sa upuan?"

"Wala rin"

"So hindi nga to sayo"

Hinayaan ko silang dalawa na magtalo dahil sa UPUAN. Iniisip ko pa rin yung kwintas ko kung nakita ba ni sky.

Bakit ba kasi yun ang sinuot ko?

"Good morning class" napatayo kaming lahat ng pumasok si sky.

"Good morning professor slaix" sabay sabay naming bati.

Naupo kaming lahat at nakinig sa discussion nya. Dahil mahirap ang lesson ay naririnig ko ang reklamo ng mga kaklase ko.

"Shuta wala akong naintindahan"

"Pre paano nakuha yun"

"Parang kanina lang nagets ko na ahh. Nahulog lang ballpen ko nablanko na"

"Hanapin daw yung ex. Teka sino bang ex ko and dami nila?"

"Ayoko na"

"Bakit ba kasi naimbento ang math?"

"Gusto kong math yung meryenda, almusal, tanghalian at hapunan lang"

Napatingin kaming lahat kay sky ng huminto sya sa pagdisscuss.

"Did you understand class?"

Sasagot na sana ako ng yes kaso nahiya ako. Paano kasi dalawang araw nyang tinuro sa akin yung lesson na yun hanggang ngayon yung dulong part di ko pa rin alam.

"Y-yes prof" nagaalala at mahinang sambit ng buong klase.

Ngumiti si sky at binura ang nasa board. Taka namang napatingin ang buong klase maging ako sa kanya.

"Let me explain it again"

Gaya ng sabi nya ay tinuro nya ulit mula sa umpisa mabagal at dahan dahan lang sinisiguro nya naintindahan ng mabuti bago ulit magpatuloy.

MY PROFESSOR IS MY EX RP BOYFRIENDWhere stories live. Discover now