XENNA'S POV
Pakiramdam ko hindi ko talaga sila, kilala kahit ang sarili kong magulang. Hindi ko maipaliwanang pero may kilabot akong naramdaman sa mga ngiti nila nang makita ang balita.
"Masama na kung masama, pero tama lang na namatay sila"
"Tama. Hindi nila deserve mabuhay, problema lang sila sa buhay"
"Hay nako! Dapat tinoturture muna bago patayin"
"Tama. Naawa ako sa mga biktima nila"
"Top 1 namin yung isang biktima, grabe effect sa pag aaral nya. From top 1 bumaba sya sa top 8"
"Yung ibang babae naman kunwari pa ginusto rin naman, aarte-arte pa"
Napairap nalang ako sa huling narinig ko. Hindi ko ninonormalize na ibenta mo ang sarili mo para sa pera, pero ao the other hand, nalulungkot ako sa kanila dahil sa sobrang hirap ng buhay ay kailangan na nilang gawin yun para magkapera. Yun ang hindi nakikita ng iba dahil hindi tulad nila, wala naman silang problema sa pera.
Hindi ko na sila pinansin dahil kung papatulan ko pa magkakagulo pa, eksena lang. Tumulala lang ako at iniisip pa rin ang ekspresyon nila mama at tita slein.
Para kasing may mali.
"Woyy, anong problema ni drack sayo? Kanina pa sya nakatingin sayo sis" bulong sa akin ni kia.
Isa pa yan sa iniisip ko. Hindi tulad ng dati hindi tumabi sa akin si drack tuwing vacant time, pero ramdam ko yung mga tingin nya. Seryoso at parang may gustong sabihin.
"Hindi ko nga alam eh"
"Baka di nakapag almusal?"
"Gaga"
Natahimik lang kaming dalawa ng may dumating na teacher, si Miss Ferrer.
"Good morning class, please prepare yourself for our quiz"
"Sh*t! may sinabi ba si miss kahapon?"
"Surprise quiz nanaman"
"Wala akong review"
"Bakit may reklamo?" Mataray na tanong ni ma'am.
"Wala po" sabay sabay naming sabi.
"Wala na ba akong karapatan magpa surprised quiz? College na kayo pero para pa rin kayong high school tsk tsk."
Tumahimik na kami at nagsagot nalang ng quiz. Thankfully ay may mga naalala naman ako sa mga binasa ko. OO BINASA WALA NAMAN KASI AKONG NAINTINDAHAN SA LESSON NI MISS.
Ng makalabas na si miss ay tulad ng dati ay samu't saring comments nanaman ang narining ko at syempre, nangunguna na dyan si kia.
"Si miss hilig mag surprise, di naman nakakatuwa. Akala nya ba nakakatuwa? Haynako sya kaya sabihin ko surprise demo ka ma'am pag hindi pasado sa akin tanggal kana sa trabaho"
May demo ba sa college?
Dumating ang isa pa naming teacher kaya natahimik na ang buong klase. Kumpara kay miss ay maayos na tinuro ng english teacher namin ang mga lesson. Napakahinhin at mabait talaga ni miss kanire ang lambing pa ng boses at napaka fluent sa English. Kaya pang sya ang teacher, haynako! Nagiging anghel ang mga lalaki kong kaklase, nag papa-good shot.
YOU ARE READING
MY PROFESSOR IS MY EX RP BOYFRIEND
RandomNag simula ang lahat sa pag gawa ko ng tinatawag nilang RP account o role play account Pumasok sa isang laro bilang shayziex quielie Nagka boyfriend at nag break pero sinong mag aakala na magkikita kami in person? hindi bilang mag ex kundi bilang I...