XENNA'S POV
"ATTENTION ALL STUDENTS
PLEASE REMAIN CALM DO DUCK COVER AND HOLD WE WILL ANNOUNCE IF YOU CAN LEAVE NOW ON YOUR DORM"Nagmadali kami ni kia na magtago sa ilalim ng study table namin. Maya maya ay di pa rin tapos ang pag alog. Muli naming narinig ang pag announce.
"ATTENTION ALL STUDENTS PLEASE LEAVE THE DORM BUILDING NOW PLEASE STAY CALM AND ASSIST YOUR SCHOOLMATE PLEASE PROCIDE TO THE SAFE ZONE THANK YOU!!!"
Agad kong kinuha ang cellphone ko at hinawakan si kia sa kamay bago kami sabay na lumabas ng dorm. Nakita kong may mga estudyanteng nagtatakbuhan. May mga myembro ng RCY(RED CROSS YOUTH), Girlscout at boyscout na umaalalay sa mga estudyante. Nagpapasalamat talaga ako na hands on sila. Hindi tulad na iba na display lang ang pagiging myembro ng nasabi kong organization.
Ginamit ko ang flashlight ng cellphone ko at tinutok ito sa daan papunta sa pinto para magkaroon ng ilaw ang ibang estudyante. Nakita ko na may mga dust na nahuhulog mula sa taas.
Mukhang anytime may mga babagsak na ng mga bato. Alam kong matibay ang pag gawa ng dorm na to kaya maaring malakas ang lindol. Tinignan ko ang school kumpara sa dorm double ang tibay ng school kaya kita kong walang epekto ang lindol dito. Nasa likod ng school ang safe zone may mga Girlscout na nagguide sa mga estudyante papunta sa doon.
"Kia. Mauna kana tutulong ako sa kanila" sabi ko sa kanya habang sinusuot sa ulo ang ilaw.
"Pero xenna"
"Sige na tawagan mo ang daddy mo at sabihin mo ang nagyayari mas magiging madali kung meron makakapag update sa kanila ng nagyayari sige na"
"Sige ingat ka okay"
"Oum ilaw din"
Pinanood ko syang umalis bago pumasok may nakasalubong akong mga myembro ng RCY.
"Teka bakit andito ka?" Tanong ng mga ito.
"Tutulong ako kung marami tayo makikita natin ng mabilis kung lahat ay nakalabas na" nag alangan pa sila ng unti kaya naman pinilit ko sila. Binigyan nila ako ng walkie-talkie pang communicate daw.
Sa fist floor nila ako inassign para raw makaalis ako agad kada tao ay may kanya kanyang floor para I check ang buong building habang ang iba ay inaalalayan pa rin ang ibang estudyante.
Natigilan ako ng may marinig akong humihingi ng tulong. Binuksan ko ang pinto ng isang dorm dahil emergency situation lahat ng pinto sa dorm ay binuksan.
Well technology.
Bilang nakikinig sa mga seminar tinignan ko muna kung ligtas bang pumasok sa loob.
Because role no.1 check if the scene is safe.
Patuloy pa rin sa pag alog ang building pero meron pa akong oras para iligtas sya.Agad akong lumapit sa kanya.
"T-tulong" tinignan ko ang bato na nakadagan sa kanya bato mula sa itaas. Sinilip ko kung meron bang maaring bumaon sa kanya ng makumpirma ng wala ay buong lakas kong tinangal ang bato hanggang sa maialis nya ang paa nya chineck ko muna ito. Hindi ko to maaring basta na lang galawin dahil baka mas lalong lumala ang paa payat lang sya at maliit kaya kaya ko syang buhatin.
Binuhat ko sya sa tama at alam kong dapat na pagbuhat sa isang pasyenteng injured ang paa. Pagkalabas ko ay agad ko syang dinala sa nakaabang na mga myembro ng rcy.
"Miss hindi nga pwede delikado sa loob"
"Sige na mga kuya baby pa sya please"
Napatingin ako sa babaeng inaawat ng nga boyscout na pumasok. Agad akong pumunta sa kanila.
"Anong nagyayari?" Tanong ko. Agad na lumapit sa akin yung babae.
"Ate please yung puppy ng kaibigan ko nasa loob pa. Maliit lang sya last memory yun ng lolo nya sa kanya bago mamatay kaya special yung puppy na yun kaya please ate"
Bilang animal lover nakaramdam ako ng lungkot.
"Miss hindi nga po pwede aso lang naman yun" naiiritang sagot ng isang Girlscout inis ko syang tinitignan.
Aso lang? Sampalin ko kaya to
"Anong pangalan?" Tanong ko.
"Mnemosyne" sagot nito.
The goddess of memories sa greek mythology.
"Sige hahanapin ko sya wag kang mag alala di ako tulad nilang NILALANG lang ang isang hayop" sagot ko at pumasok sa loob.
Nakakainis sa mga ganitong sitwasyon naawa ako sa mga animals dahil wala lang sila sa iba at binabalewala. Oo alam kong tao ang dapat na unahin pero ang mga pets ay may buhay rin at tulad ng mga tao gusto nilang maging ligtas at mabuhay sa mundo. Tulad nating mga tao may nararamdaman din sila at ginawa ng diyos may karapatan sila sa mundo to.
"Mnemosyne" Paulit ulit na pagtawag ko rito.
Nahinto ako sa paglalakad ng may narining akong pawang daing ng aso. Maliit at mahina lang.
"Mnemosyne" muling tawag ko at muli kong narinig ang pag daig nito.
Sinundan ko ang ingay nakita ko sya naipit ang paa nya sa isang maliit na bato. Oo maliit lang at kayang buhatin pero sa liit nya hindi nya kaya para lang syang kasing liit ng mga teddy bear na keychain sa bag.
Yup pomoranian tea cup size
Agad ko syang tinulungan at nilagay sa mga palad ko. Napangiti ako ng isobsob nya ang mukha nya sa palad ko.
Like, she feel safe and comfortable already because I'm here.
"Shh its okay now ligtas kana"
Alam kong takot na takot sya dahil sa panginginig ng katawan nya malang ay sobra ang takot nya. Kung alam lng sana ng iba na ganto ang nararamdaman ng mga tulad nya, na tulad nating mga tao natatakot rin sila at gustong makita ang tinuturing nilang pamilya. Ano kayang masasabi nila? Na hindi porket pets sila ay okay ng pabayaan sila. Ipagsasawalang bahala pa din ba nila ang mga tulad nila
Napatingin ako sa kaninang kinalalagyan nya at nagulat.
BRACELET KO!!
Agad ko yung kinuha ng isang kamay ko at tinignan. Bracelet ko nga. Huling regalo sa akin ng namayapa kong lola ng tignan ko ang lugar ay malapit to sa dorm kung saan ko nakita yung babaeng nadaganan yung paa.
Mukhang natanggal sa kamay ko ng di ko namamalayan.
Napangiti ako at tinignan yung puppy na natutulog na sa kamay ko.
Naawa ako ng makita kong dumudugo ang maliit nyang paa. Nilagay ko sa bulsa ko ang bracelet malalim naman kaya sigurado akong di ko yun mahuhulog."Thank you mnemosyne" nakangiting sabi ko habang tinitigan ang maliit na tutang hawak ko.
Dalawang kamay ko ang may hawak sa maliit na tuta habang naglalakad. Tinitigan ko ang itaas dahil baka mamaya may malagla-
Sakit at pag kahulog ko sa sahig ang sunod kong naramdaman. naramdaman ko din na may kung anong likido sa likuran ko.
Pero...
Nakita ko sya...
Nakita ko sya. silhouette nya ang huli kong nakita. Hindi ko man nakita ang mukha nya alam kong sya yun.
"S-sky..."
"Miss allinia"
Yun ang huli kong narinig. Boses nya ang huli kong narining bago magdilim ang lahat.
To be continued...
A/N: malapit na talaga promise hihihihi mga dalawang chapter nalang ang saya ko pang 5 chapter na to ngayon araw pero gusto pa rin ng utak ko magsulat sulitin na at baka ngayon lang to 😅😅
Don't forget to vote comment and shsre 😘😘...
Always remember the golden rule
If you don't like it then don't read it
YOU ARE READING
MY PROFESSOR IS MY EX RP BOYFRIEND
RandomNag simula ang lahat sa pag gawa ko ng tinatawag nilang RP account o role play account Pumasok sa isang laro bilang shayziex quielie Nagka boyfriend at nag break pero sinong mag aakala na magkikita kami in person? hindi bilang mag ex kundi bilang I...