CHAPTER 6

76 2 0
                                    

XENNA'S POV

Nagising ako sa clinic namin sa school. Hindi ako nadala sa ospital dahil nagkaroon daw ng sira sa daan. May mga bahay na gumuho at ang ibang parte ay nakaharang sa kalsada.

Mukhang malakas ang lindol kagabi. But its okay at least im safe isa pa magagaling ang nurse dito sa clinic may doctor rin kami.

Hindi ko nakita si sky pag gising ko baka namamalik mata lang o dala na ng hallucination ko ang nakita ko.

Napalingon ako sa cellphone ko nabasag yun at may guhit na ang screen pero humihinga pa naman.

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok kasunod noon ang pag pasok ng isang babae. Pamilyar sya sa akin pero di ko maalala kung saan ko sya nakita.

"Hello po ate kamusta ka po?" Tanong nito.

"O-kay lang" taka ko syang tinitignan.

"Ahh baka di nyo po naalala. Ako po si trisha, ako po yung nagkiusap sa inyo na hanapin yung puppy ng kaibigan ko"

Doon ko naalala. Sya yung babaeng binibigilan ng mga boyscout na pumasok sa building.

"Naalala na kita. Kamusta yung puppy?" Tanong ko. Sa pagkakaalala ko meron syang sugat sa paa.

"Nagkaroon po ng sugat sa paa pero wag po kayong mag alala nasa amo nya na po sya at dinala sa vet"

"Dinala? Hindi ba bawal pang lumabas ng school?"

"Opo. Ang kaso spoiled kasi yung amo nya kaya ayon nakalabas"

Nagkwentuhan pa kami sandali ni trisha bago sya nagpaalam.

Ilang weeks bago naiayos ang daan. Nang masiguro ng paaralan na okay na ang lahat, ay tyaka kami binigyan ng go signal na pwede ng bumalik sa mga bahay namin habang inaayos pa ng school ang nasirang parte ng buong campus.

Nag commute lang ako pauwi sa baranggay namin. Pag baba ko ng tricycle ay nabitawan ko ang maleta ko. Sirang arko ng baranggay namin ang una kong nakita, sira din ang buong lugar. Ang dating
Baranggay na puno ng mga bahay, ay isa na ngayong malawak na patag at may maliliit na bundok ng mga semento.

Agad akong pumasok sa arko at hinanap ang bahay namin. Doon ko naabutan sila mama at papa na nagkakalkal kung meron pa bang natira sa mga gamit sa bahay. Nag hina ako ng makitang sira ang jeep ni papa.

"Ma... Pa" lumingon sila sa akin.

"Xenna" tawag sa akin ni mama. Nakayuko naman si papa

Lumapit ako sa kanila at tinignan ang bahay naming pinaghirapan naming itayo. Ngayon ay pawang isa ng maliit na bundok ng mga semento.

"Xenna anak pasensya na huh wala ng jeep si papa ehh"

"Pa naman..."

Nakita kong tumulo ang luha ni papa at mas nasaktan ako. Tinignan ko ang jeep namin na natambakan na ng malalaking bato warak warak at kita na hindi na magagamit pa. Ilang taon din kami nabaon sa utang noong bilhin namin ang jeep na to. Noong maka graduate ako sa elementary ay tyaka lang namin nabayaran ang perang inutang namin para sa jeep.

Tinignan ko ang bahay namin naalala ko noon pinagtagpi tagping yero at kahoy lang ito hanggang sa nagsikap si papa sa pamamasada ng jeep, si mama naman ay tumanggap ng labahin at ako nagtrabaho ako sa fast food chain at tuwing sabado ay nag dedeliver gamit ang bike na pinaglumaan na. Tulong tulong kami para maipaayos ang bahay at ngayon parang bula na naglaho na ito.

Napatingala ako sa langit pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

Ang sakit na lahat ng pinaghirapan namin bawis at dugo ay nawala sa isang iglap lang.

MY PROFESSOR IS MY EX RP BOYFRIENDWhere stories live. Discover now