Kabanata 10

234 207 0
                                        

Si Lucas at olivia ay pumunta sa kulungan ng mga kabayo. Ang binatilyong taga bantay na naglalakad sa kanyang karaniwang pag-ikot nang makita silang lumalapit. Siya agad na yumukod kay Olivia, "Senyorita Olivia! Narito..naparito ka na naman."

Tumango siya at ngumiti ng bahagya, "Oo, saan si Lucky?"

"Nasa loob siya ng kanyang kulungan..."

"Ah ganun ba, salamat...Ano Pala Ang iyong pangalan?"

"U-uh Oscar senyorita!" nangangapa niyang sabi bago namula ang kanyang pisngi sa kahihiyan.

Tumango si Olivia ulit, "ah, salamat Oscar."

Umalis siya patungo kung saan naroroon si Lucky at si Oscar ay nakatitig lang sa kanya. Lumapit si Lucas at bumulong ito sakanya, "Lubos syang nagulat sa ginawa mo, senyorita."

"Talaga ba? Siguro masasanay din siya."

Napangiti siya habang hinaplos ang ulo ni Lucky nang marahan. "Hello, namiss mo ba ako?"

Marahang kumilos si Lucky bago itinutok ang kanyang mukha sa kanya. Lumawak ang ngiti niya, "Gusto mo bang maglibot sa paligid?"

Sumakay siya sa kanya at pinatong ang kanyang kamay, "Mabait na kabayo." pampalubag-loob niya.

Pagkatapos, dinala ni Olivia si Lucky sa paligid ng ilang beses bago siya marinig ang tinatawag na pangalan niya. Unti-unting huminto si Lucky at tiningnan niya ang taong tumawag sa kanya. Ito ay ang kanyang ama.

"Ano iyon ama?" tanong niya, nakatungong pa rin kay Lucky.

Tiningnan siya ng kanyang ama bago pumihit ang kanyang lalamunan,

"Gusto mo bang sumama sa akin sa palasyo?"

"Sa palasyo...?"

"Oo, naroroon din ang kanyang prinsipe kaya makikita mo siya." dagdag pa ng kanyang ama.

Tiningnan siya bago pilit na ngumiti, "Naiintindihan ko pero ayos lang sa akin na manatili dito-"

"Pero..sinabi ko nang sasama ka sa akin ngayon..."

"Pero ama.." tiningnan siya habang siya ay umiiwas ng tingin ng bahagya.

Nag-iling siya, yumukod, "Kung ganoon, wala akong magagawa."

Tumingin ang kanyang ama sa kanya ng ngiti, "Maghihintay ako sa iyo."

Nang umalis ang kanyang ama, ibinigay ni Olivia si Lucky kay Oscar bago pumunta sa kanyang silid upang magpalit ng damit. May bahagyang masamang tingin si Olivia sa kanyang mukha at tila napansin ito ni Lucas.

"May problema ba sa pagpunta sa palasyo?"

"Hindi naman pero-" huminga siya ng malalim, humarap kay Lucas.

May ngisi siyang nasa kanyang mukha habang siya ay nagsasalita, "Aakalain pa rin ng prinsipe na may gusto ako sa kanya mula nung magkita kami noong labingdalawang taon pa lamang ako!"

Sa libro, nagkakilala si Olivia at ang prinsipe noong siya ay labingdalawang taong gulang pa lamang dahil dinala siya ng kanyang ama sa palasyo para sa unang pagkakataon. Mula noon, madalas siyang pumunta para makita ito.

Ibinaling niya ang kanyang leeg, "Excited ako na makita ang ibang karakter ko pero ang pagkakamali ay isa pang problema."

"Ngunit sumang-ayon ka na sa iyong ama."

"Oo, hindi na maaaring iwasan sa puntong ito." Huminga siya ng malalim.

“Gusto ko nalang maging hotdog...” Sabi pa niya

“howtdag..?” naguguluhan na Sabi ni Lucas

“Pagkain iyan sa aming Mundo Lucas.”

“ah, ganoon ba senyorita.”

What's Inside The Book (TWS #1)Where stories live. Discover now